Sanib

Sanib 'yan ang tawag

  • Sanib 'yan ang tawag
  • Daming humahawak
  • Dahil sa naranasan ko
  • Nasan ang albularyo
  • Malalim na ang lamat
  • Na bumabagabag
  • Sana'y mapatawad mo
  • Pakisabi kay Rosario
  • Isang umaga may tumawag
  • Kakaligpit ko lamang ng nilatag
  • Hinigaan ko nung gabi
  • Hinihingal at di niya maipaliwanag
  • Basta sumama daw ako
  • Ito'y para sa babae niyang apo
  • Nakatulala sa kusina
  • Sa may kalan
  • Tapos ay kumakain ng abo
  • Umiiyak nakangiti
  • Kahit puro pasang
  • Kanyang mga binti
  • May nakabakas na kamay
  • Nang hinimatay
  • Di nako nag atubili
  • Nagbihis ng telang mahaba
  • Kung minsan ay may
  • Disenyong magara
  • Isinuot ang kwintas
  • Na bawal mapigtas at
  • Maging mali palaging tama
  • Tubig sa boteng malumot
  • Parang karayom
  • Malalim tumusok
  • Nang dumampi sa balat
  • Siya's napaso
  • Agad umaangat ang itim na usok
  • Libro ng mga libro
  • Sagot sa lahat ng
  • Mga tanong mo
  • Kinakabahan na pumasok
  • Matapos akong tawagin pero
  • Kaya ko 'to
  • Malamig pero pinapawisan
  • Ako na siyang dapat
  • Na pamarisan
  • Sa lahat ng kaibigan
  • At puwedeng sabihan ng
  • Lihim na iniingatan
  • Nasa harapan ng pinto
  • Sige kayo na po ang bahala
  • Siya ay nakatali
  • Pag pasok ko napahinto
  • Hindi nakakibo dahil sa kaniyang mga sinabi
  • Sanib 'yan ang tawag
  • Daming humahawak
  • Dahil sa naranasan ko
  • Nasan ang albularyo
  • Malalim na ang lamat
  • Na bumabagabag
  • Sana'y mapatawad mo
  • Pakisabi kay Rosario
  • Kamusta ka na
  • Padre Sanchez
  • Buti napa daan ka ano
  • Sige tuloy ingat lang
  • Baka madulas ka
  • Sa mga suka ko
  • Mala kumunoy
  • Alam mo na siguro kung
  • Bakit ako naparito
  • Kung di pa rin ay
  • Di makahintay sige
  • Iisa-isahin ko sa'yo
  • Ganda naman ng relo mo ah
  • Alam kong marami
  • Ka pang iba
  • Sa dami ng nakokolekta
  • Niyo kada linggo
  • Sige san mo dinadala
  • Meron ka daw bagong kotse
  • Dala-dalawa
  • Hindi lang isa
  • Mga malalawak na lote
  • Ang bahay niyo
  • Biglang nag-iba
  • Baka naman
  • Nagsumikap
  • Kaya nagkalaman
  • Ang mga mahihirap
  • Kaniyang
  • Mahandugan
  • Tanso ginto at pilak
  • Laging kumikinang
  • Sugat na humihilab
  • Pilit tinatakpan
  • Dami nang kwento na
  • Sakin ay laging
  • Dumarating
  • Bakit nag-iiba
  • Pag ika'y
  • Nakatago sa dilim
  • Ang pinapakita mo
  • Sa ilan na ikaw
  • Ay palihim
  • Nasubukan mo na bang
  • Magdasal sa harap
  • Ng salamin
  • Sanib 'yan ang tawag
  • Daming humahawak
  • Dahil sa naranasan ko
  • Nasan ang albularyo
  • Malalim na ang lamat
  • Na bumabagabag
  • Sana'y mapatawad mo
  • Pakisabi kay Rosario
  • Para akong binuhusan ng
  • Tubig sa pawis
  • Sa bawat pader napahagis
  • Galos sa mukha
  • Napalabis
  • Aking nais
  • Na magawa'y naabot din
  • Tulog na siya sige
  • Pagpahingahin
  • Nang ako'y tumalikod
  • Halos natisod
  • Nang madinig ang hinaing
  • Teka muna di pa tayo tapos
  • Simula palamang
  • Ng pagtutuos
  • Kahit ika'y humilagpos
  • Sana'y sumunod ka din
  • Sa mga utos ng Diyos
  • Di ka na
  • Naawa sa akin
  • Tahimik na nananalangin
  • Hindi ko sukat akalain
  • Nung araw na yun
  • Ako'y nakapain
  • Nagkapasa sa
  • Mga hawak mo
  • Kasing itim ng binabalak mo
  • Natatandaan mo pa ba ako
  • Rosario nga pala ang
  • Siyang pangalan ko
  • Huwag kang
  • Umasta na nalilito
  • Ikaw ang may kagagawan nito
  • Matagal ko nang inisip
  • Inasam hinintay ang
  • Pagkakataong ito
  • Nakakandado nang
  • Lahat ng pinto
  • Malakas na hangin di humihinto
  • Hindi ka makakakibo
  • Pag sa sarili mong dugo
  • Ikaw ay paligo
  • Ngayon ako ang siyang magbibigay
  • Ng sermon dahil iyong tinangay
  • Ang aking dangal kaya di nagtagal
  • May batang babaeng nagpakamatay
  • Sanib 'yan ang tawag
  • Daming humahawak
  • Dahil sa naranasan ko
  • Nasan ang albularyo
  • Malalim na ang lamat
  • Na bumabagabag
  • Sana'y mapatawad mo
  • Pakisabi kay Rosario
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Come to join my duet!

21 5 1

2022-9-3 19:29 红米6

Carta hadiah

Jumlah: 0 15

Komen 5