Akin Lang Naman

Wag Mo kong pansinin

  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko
  • Ito ay akin lang naman naman naman naman
  • Dedma yan ang dapat mong gawin
  • 'Pag narinig ang bawat salita
  • Na basa ng laway sa aking bibig
  • Na aking dinudura sa mga pagmumukha
  • Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula
  • Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya
  • Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya
  • Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika
  • Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka
  • Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin
  • Ang indi mo nakikita susubukan kong baguhin
  • Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
  • Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan
  • Hindi tama ang magbintang subukan nating magbilang
  • Ilang taon ang dumaan bakit napagiiwanan
  • Hindi ko po kayo pinangungunahan o dinidiktahan
  • Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko
  • Ito ay akin lang naman naman naman naman
  • Alam kong di ito madali at medyo mabigat
  • Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat
  • Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap
  • Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap
  • Nang wala nang batang namamalimos at nakaapak
  • Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak
  • Libre ang makapagaral hustisiya'y di mabagal
  • Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko
  • Ito ay akin lang naman naman naman naman
  • Kung ako ang presidente busog ka na sa bente
  • Ang lahat ay pantay pantay iskwater man o disente
  • Lahat ay mya bubong lahat ay may dingding
  • Kung walang makian di magsasangla ng singsing
  • Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa
  • Sa dagdag sahod ay di kailangang magmakaawa
  • Mga lagay lagay perang tangay tangay
  • Kapag napatunayan ikulong lahat sabay sabay
  • Kase walang mayamayaman dapat maya maya lang
  • Tinuturuan ng leksyon mga mayamayabang
  • Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno
  • Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursyento
  • Pero kahit suntok sa ulap baka ika'y mamulat
  • Kinakalawang na pinto sabay nating itulak
  • Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan
  • Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
  • Wag Mo kong pansinin
  • Wag mo kong pakinggan
  • Pagkat ang sinasabi ko
  • Ito ay akin lang naman naman naman naman
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

18 2 1

2022-9-10 22:03 红米6

Quà

Tổng: 0 3

Bình luận 2