Magandang Gabi

Ito na'ng gabing hinihintay

  • Ito na'ng gabing hinihintay
  • Mga tagahanga ko'y nagdatingang lahat
  • Nananabik 'kong marinig inyong palakpak
  • Mayroong kaba sa 'king dibdib
  • Pinapawisan pa ng tila malagkit
  • Ito ang dinaranas ko sa t'wing palabas
  • Magandang gabi sa inyong lahat
  • Ako'y nagagalak
  • At kayo'y nagsidalo
  • Sa gabi ng palabas ko
  • Magandang gabi sa inyong lahat
  • Ako'y nagagalak
  • At tayo'y nagkaniig
  • Kahit konting sandali
  • Sa harap ninyo ay walang lungkot
  • Suliranin ko'y bigla ring nalilimot
  • Ngiti ninyo'y mabisa ngang gamot
  • Sa indak nitong musikang inaalay
  • Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay
  • Bumibilis nag iibang kulay
  • Magandang gabi sa inyong lahat
  • Ako'y nagagalak
  • At kayo'y nagsidalo
  • Sa gabi ng palabas ko
  • Magandang gabi sa inyong lahat
  • Ako'y nagagalak
  • At tayo'y nagkaniig
  • Kahit konting sandali
  • 'Pag nagdilim na ang ilaw
  • Hinahanap pa rin kayo
  • Kung 'di dahil sa inyong lahat
  • Ako'y wala rito
  • Ito nga ang gabing hinihintay
  • Sana'y 'di magwakas
  • Sandaling nagniningning
  • Alay sa lahat ng dumating
  • Magandang gabi
  • Maraming salamat
  • Sa inyong lahat
  • Hanggang sa muling pagsasama
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Magandang Gabi 🌗🌗

111 14 3633

6-27 00:13 iPhone 11 Pro

Tangga lagu hadiah

Total: 126 1393

Komentar 14