SINGLE MOM

Hmmm hmmm hmmm

  • Hmmm hmmm hmmm
  • Hmmm hmmm hmmm
  • Hmmm hmmm hmmm
  • Dalagang ina yan ang tawag sa kanila
  • Nagsusumikap na buhayin ang anak ng mag isa
  • Ngunit di parin mapigil kutsain ng karamihan
  • Imbes daw na mag aral inuna pa ang kalandian
  • Matanong ko lang alam nyo ba ang kanilang nadarama
  • Ang palakihin mga anak nilang walang ama
  • Nasa likod ng kanilang bawat pag ngiti
  • Ay may nakatagong pagdurusa at pighati
  • Dalagang ina diba pangit kung tawagin
  • Pero babae din sila na dapat niyong galangin
  • At dapat respetuhin di dapat pinapaluha
  • Tingin sa kanila ay mabilis lang na makuha
  • Dahil ba sila ay meron nang karanasan
  • Di na dapat seryosohin dahil sa nakaraan
  • Kung yan ang tingin mo sa kanila pare mali ka
  • Nagmahal lang sila di ibig sabihin non malandi na
  • Isa kang dakilang ina yan ang lagi mong iisipin
  • Wag mong hahayaan na kalungkutan ang yong maging kapiling
  • Ipakita sa iba ang tatag at maging inspirasyon
  • Kahit na ano pang harapin
  • Anak ang laging maging sandalan mo
  • Yung iba ay maagang sinubok ng reyalidad
  • Naging batang inang wala pa sa wastong edad
  • Nagtiwalang ibigay ang sarili sa kasintahan
  • Subalit nung may nabuo agarang iniwanan
  • Anong mali nila sila lamang ay umibig
  • Kung meron man mali yan ang mali niyong pag iisip
  • Sa halip wag niyong husgahan bagkos silang hangaan
  • Kahit hirap na hirap pinipilit ang lumaban
  • Imbes na sumuko lalong naging matatag
  • Tanging lakas nila ay ang bawat ngiti ng kanilang anak
  • Sinisikap maging nanay at tatay
  • Mabigyan lang ng magandang buhay lahat handang handang ialay
  • Kaya sana sila ay mahalin niyong totoo
  • Alam nyo ba kaya marami ang pamilyang di buo
  • Di man karamihan ngunit karaniwang nangyayari
  • Kadalasan kasalanan din natin mga lalaki
  • Isa kang dakilang ina yan ang lagi mong iisipin
  • Wag mong hahayaan na kalungkutan ang yong maging kapiling
  • Ipakita sa iba ang tatag at maging inspirasyon
  • Kahit na ano pang harapin
  • Anak ang laging maging sandalan mo
  • Yung iba'y napilitang kumapit sa patalim
  • Para sa anak wala silang hindi kayang gawin
  • Para lang sikmura ng anak nila'y magkalaman
  • Kapalit man ay di masikmurang pag benta ng laman
  • Di man tamang nakakagawa sila na maling bagay
  • Masama pero dun sila naging mabuting nanay
  • Kayat sa inyong lahat saludo po ko sa inyo
  • Sanay lagi niyong tatandaan tong sasabihin ko
  • Wag mong pansinin lahat ng paninira ng iba
  • Sikapin mo nalang maging isang dakila na ina
  • Ano man ang naririnig mo wag kang magpaapekto
  • Sa mga taong kung umasta kala mo perpekto
  • Meron kang anak yan ang gawing inspirasyon
  • Mga maling napag daanan ituring mong leksyon
  • Mga taong mapanghusga mawawala din yan paglaon
  • Tandaan mong hindi nila kayo pinapalamon
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
#im back 😉

12 0 1

2022-6-19 22:34 samsungSM-G532G

Quà

Tổng: 0 1

Bình luận 0