Kahapon Lang

Kay daling magbago ng panahon

  • Kay daling magbago ng panahon
  • Parang kahapon lang
  • Naglalaro pa tayo ng taguan
  • Tumbang-preso at bahay-bahayan
  • Kapit-kamay na nagtatampisaw
  • Sa buhos ng ulan
  • Napapangiti 'pag naaalala
  • Ang ating tagpuan sa parang
  • Sa lilim ng punong pinaglalaruan
  • Kamay mo'y una kong hinagkan
  • O kay bilis ng mga nagdaan
  • Parang kahapon lang
  • Nais kong magbalik sa kahapon
  • Na ating kinagisnan
  • Sa lilim ng mga punong
  • Pugad ng ating pagmamahalan
  • Nais kong madama at maulit
  • Ang kahapong kay saya
  • Nais kong magbalik
  • Sa dati nating daigdig
  • Bawat taon'g kay bilis dumaan
  • Halos ay 'di ko namalayan
  • Nagising akong ala-ala na lang
  • Ang naiwan sa ating tagpuan
  • Wala na ang punong pinaglalaruan
  • Saksi sa 'ting kamusmusan
  • Nais kong magbalik sa kahapon
  • Na ating kinagisnan
  • Sa lilim ng mga punong
  • Pugad ng ating pagmamahalan
  • Nais kong madama at maulit
  • Ang ating nagdaang kay saya
  • Nais kong magbalik
  • Sa dati nating daigdig
  • Nais kong magbalik
  • Sa dati nating daigdig
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

37 4 1112

10-2 08:47 vivo 2015

Quà

Tổng: 0 119

Bình luận 4