3/4 Medley

Ang puso ko ngayon

  • Ang puso ko ngayon
  • Ay lihim na nagmamahal
  • Sa isang taong
  • Noon ko lang natagpuan
  • Aking nadama
  • Ang tunay na kaligayahan
  • Nang siyaý mangusap
  • Sa gitna ng halamanan
  • Kahit na hindi ko
  • Man lamang nakikita
  • Ang kanyang mukha
  • Sa wari ko ay maganda
  • Ako ay nabihag
  • Sa tinig nyang may panghalina
  • Kaya't ako ay
  • Lumisan na kapagdaka
  • Yan nga kaya ang pag-ibig
  • Na sa puso koý dumalaw
  • Buhat nooý alinlangan
  • At di mapalagay
  • Nguni't ang di ko malaman
  • Kung may pagmamahal
  • Ang taong aking nakita
  • Kahit minsan lamang
  • Kung akoý mag-aasawa
  • Ganda ng puso ang ibig ko
  • At akoý handa sa hirap
  • Maging tuyo man ang ulam ko
  • Ibig koý mapagpatawad
  • Sa oras na mali ako
  • Diko ibig ang selosong
  • Gabi at araw nanggugulo
  • Ang ibig ko sa lalaki
  • Ay laging mapagmahal
  • Ayaw ko sa barumbado
  • Na agad nambubuntal
  • Ibig ko ay karinyoso
  • At laging romantiko
  • Kung kaya mo itong idulot
  • Ikaw na irog ang nais ko
  • Kung akoý magaasawa
  • Ikaw na giliw ang ibig ko
  • Na maging kabiyak ng puso
  • Sa bawat araw ng buhay ko
  • Sa gayong anong ligaya
  • Ang daranasin sa piling mo
  • Kung itong pagaasawaý
  • Maging mapalad dahil sa iyo
  • Nang pista sa nayon
  • Nagsayaw ka hirang
  • Napakagandang pagmasdan
  • Ang maliliit mong hakbang
  • At ang tatlong basong
  • May taglay na ilaw
  • Ay tinimbang mong lahat
  • Sa ulo't sa mga kamay
  • Ngunit 'di mo alam
  • Na minamasdan kita
  • At nabihag mo ako
  • Sa iyong pandanggong kay sigla
  • At magbuhat noon
  • Ay inaalala ka
  • Dahil sa walang lakas
  • Ang puso kong limutin ka
  • Sa pandanggo mo'y
  • Hanga ang lahat
  • Tangan mong mga ilawan
  • Ni isa'y walang lumagpak
  • Puso kong ito
  • Nais ko liyag
  • Ay ingatan mo na rin
  • Pagka't ikaw ang may hawak
  • Kataka-takang mahibang
  • Ang katulad ko sa iyo
  • Biro-biro ang simula
  • Ang wakas pala ay ito
  • Aayaw-ayaw pa ako
  • Ngunit 'yan ay 'di totoo
  • Dahil sa iyo
  • Puso kong ito'y nabihag mo
  • Alaala ka lagi gabi't araw
  • Alipinin mo'y
  • Walang kailangan
  • Marinig ko lang
  • Sa labi mo hirang
  • Na ako'y iibigin
  • Lagi habang buhay
  • Kung ang sinta'y ulilahin
  • Sino pa kaya'ng tatawagin
  • Kung hindi ang tunay mong giliw
  • Naku kay layo sa piling
  • Malayo man malapit din
  • Pilit ko ring mararating
  • 'Wag lamang masabi mong
  • Di kita ginigiliw
  • Ginigiliw kitang tunay
  • Alaala gabi't araw
  • Pag di ka natatanaw
  • Puso ko nalulumbay
  • Sinisinta kita di ka kumikibo
  • Akala mo yata ako'y nagbibiro
  • Saksi ko ang langit
  • Sampu ng kanduro
  • Kundi kita mahal
  • Puputok ang puso
  • Sinisinta kita
  • Di ka kumikibo
  • Akala mo yata ako'y nagbibiro
  • Saksi ko ang langit
  • Sampu ng kanduro
  • Kundi kita mahal
  • Puputok ang puso
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

116 17 9558

2023-9-5 13:40 LENOVOLenovo TB-X306X

Gifts

Total: 7 58

Comments 17