Huling Sandali

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso

  • Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
  • Sa tuwing ako'y papalapit sayo
  • Maaari bang hingin ang iyong kamay
  • Hawakan mo't wag mong bitawan
  • Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
  • Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
  • Maaari bang wag kang humiwalay
  • Dahil sandali nalang
  • Dadating na ang gabing walang pipigil satin
  • Kung hindi ngayon
  • Aasa bang maibabalik ang kahapon
  • Kahit sandali
  • Palayain ang pusong di mapigil
  • Sana tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
  • Hindi matigil ang gulo sa aking isip
  • At para bang walang kasing sakit
  • Alaala mong hindi ko malimutan
  • Oras lang ang may alam
  • Kung darating din ang gabing walang pipigil satin
  • Kung hindi ngayon
  • Aasa bang maibabalik ang kahapon
  • Kahit sandali
  • Palayain ang pusong di mapigil
  • Sana tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para satin
  • At sa bawat minutong ako'y di natuto
  • Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
  • Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
  • Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi
  • Kahit sandali
  • Palayain ang pusong di mapigil
  • Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para satin
  • Kahit sandali
  • Patawarin ang pusong di tumigil
  • Para sa ating dalawa ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to our duet!

38 2 2846

2020-6-19 14:50 CloudFoneThrill Boost 2

Gifts

Total: 0 2

Comments 2