Bakit Inay

Ohh bakit mo iniwan

  • Ohh bakit mo iniwan
  • Anong kasalanan para iwan mo lang ako sa basurahan
  • Hinahanap hanap ka aking inay bakit mo
  • pinabayaan ang anak mo sa basurahan
  • Ako'y limang buwang gulang pa lamang
  • Ng pinalaglag ni nanay nag away
  • Sila ni tatay sa galit ako'y nadamay
  • Nagpakahulog si nanay sa hagdan dinugo
  • Kitang kita ang muka kung malapit ng mabuo
  • Meron na akong ilong mata at bibig masasakit
  • Mong salita aking dinig na dinig
  • Na sayo ako ay malas sana hindi na dumating
  • Sabay inom mo ng kortal halos hindi ko maatim
  • Para akong tinutunaw pero pinilit kumapit
  • Dahil sa king paglabas gusto ko kayong yakapin
  • Epekto ng gamot tinitis ko lang maghapon
  • Hindi ako bibitaw ina lalabanan ko ang lason
  • Pero bakit hindi mo na binigyan ng tyansa na
  • Makita ang mundo at maging isang bata imbis saakin
  • Ma' awa mas inuna mag murahan sabay
  • Balot saakin at itsa sa basurahan
  • Ohhh bakit mo iniwan anong kasalanan
  • Para iwanan mo lamang ako sa basurahan
  • Hinahanap hanap ka aking inay bakit mo pinabayaan
  • Ang anak mo sa basurahan
  • Bakit di mo binigyan ng pagkakataon mabuhay
  • Makita ko man lang sana ang mundo na makulay
  • Maranasan ko man lang arugain bilang sanggol
  • Desisyon mo sakin diko magawang ipagtanggol
  • Ang sarili habang ako'y nasa sinapupunan
  • Ninais mong mawala upang hiya ay matabunan
  • Masabi kalang malinis walang bayid na dungis
  • Sinakripisyo mo ako sa pansariling nais
  • Dika man lang nag isip na ninais ko rin
  • Mabuhay binigay ako ng diyos
  • Ako'y isang biyayang tunay isang biyayang pinahalagahan
  • Ang tangi kasing iniisip sariling kapakanan
  • Maging mabuti ka lang babae sa mata ng tao
  • Mas piniling mawala ako at iyong itinago ang
  • Mortal kasalanan nawa ikay patawarin
  • Wag mo sanang ulitin ang pagtapon mo gaya sakin sa basurahan
  • Ohhh bakit mo iniwan anong kasalanan para
  • Iwanan mo lamang ako sa basurahan hinahanap hanap ka aking
  • Inay bakit mo pinabayaan ang anak mo sa basurahan
  • Bunga nang iyong similya ako'y nasa sinapupunan
  • Siyam na buwan nalang mundo'y akin ng masisilayan
  • Ngunit hindi nyo hinintay sa takot inyong pinatay
  • Sana'y binuhay nyo nalang kahit ako'y ipamigay
  • Nang dahil sainyong dangal na kinatakot nyong masira
  • Hindi pa'ko handa ngunit
  • Sapilitan nyong pinahila
  • Hindi ko manlang naranasan maging normal na bata
  • Pagpawisan habang naglalaro sa kalsada
  • Pilit kitang sinisipa
  • Upang makapag sumbong
  • Baka hindi ko na mailagan
  • Susunod nyong pag inom ng gamot
  • Na magpapatigil sa puso kong tumibok
  • Kasalanan ko ba na
  • Kung kayo'y naging mapusok
  • Masilayan ang mundo ay
  • Di nyo man lang pinasubok
  • Sinilang nyo akong bangkay
  • Diretso sa maruming supot
  • Imbis na sa braso nyo'y matulog
  • Ako'y nasa basurahan habang yakap ang aking pusod
  • Ohhh bakit mo iniwan anong kasalanan para
  • Iwanan mo lamang ako sa basurahan hinahanap
  • Hanap ka aking inay bakit mo pinabayaan
  • Ang anak mo sa basurahan
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

20 2 1489

2021-12-5 20:01 vivo 1907

Quà

Tổng: 0 0

Bình luận 2