Amats

Nung naginuman tayo

  • Nung naginuman tayo
  • Masaya ka masaya din ako
  • Nung barkada ko at nang barkada mo
  • Lagi na lang tayong tinutukso
  • Ilang bote lang ang lumipas
  • Ang hirap mo nang makausap
  • Mapungay na ang iyong mga mata
  • Ang paligid ay maingay na
  • Tatlong beses mong ikinuwento
  • Nung madapa ka jan sa may kanto
  • Limang ulit kang nalito
  • Kung ano ang pangalan ko
  • Pero biglang nawala ang amats ko
  • Nung madulas ang dila mo
  • Hindi makapaniwala ang teynga ko
  • Nung biglang sabihin mo
  • Masarap ka palang kausap
  • Buong maghapon o magdamag
  • Alam mo ba ang sikreto ko
  • Matagal na kitang gusto
  • Pagkatapos ng isang linggo
  • Binantayan ko mga kilos mo
  • Tinanong ko ang mga kabarkada mo
  • Wala akong nakuha kahit ano
  • Tatlong beses kong pinagisipan
  • Baka nagpapakipot ka lang
  • Limang ulit kong sinabi sa sarili
  • Ganyan talaga ang babae
  • Kayat biglang nawala ang duda ko
  • Nadulas lang ang dila mo
  • Hindi makapaniwala ang teynga ko
  • Noong sinabi mo
  • Masarap ka palang kausap
  • Buong maghapon o magdamag
  • Alam mo ba ang sikreto ko
  • Matagal na kitang gusto
  • Di ko na mapigilan
  • Kailangan kong malaman
  • Tinulungan kitang aminin
  • Ang matagal mo nang inililihim
  • Tatlong beses mo akong minura
  • Sa harap ng iyong barkada
  • Limang ulit na nabasag ang puso ko
  • Nung sabihin mong ang kapal mo
  • Kaya biglang nawala ang amats ko
  • Nakagat ko ang dila ko
  • Hindi makapaniwala ang teynga ko
  • Sa mga sinabi mo
  • Ang labo mo palang kausap
  • Kapag may beer ka lang matapat
  • Kahit maubos ang pera ko
  • Maginuman na lamang tayo
  • Sana pagubos na ang pulutan
  • At tapos na ang mga kwentuhan
  • Pag simot na ang laman ng bote ko
  • Sanay mahal mo ulit ako
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Hi im here...😊😊😊

18 0 5398

2021-10-31 12:39 OPPOCPH1937

Carta hadiah

Jumlah: 1 4

Komen 0