Simula Ng Dulo

Nakabalot sa'kin ang 'yong bisig

  • Nakabalot sa'kin ang 'yong bisig
  • Pero 'di mo ako yakap yakap
  • Nakabaling sa'kin nang magising
  • Pero di mo ako hanap hanap
  • Meron ba 'kong dapat malaman
  • Baka naman pwede nating pag usapan
  • Hindi ko pa kayang aminin sa sarili
  • Huwag munang sabihin na
  • Ito ang simula ng ating dulo
  • Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
  • Hanggang dito na lang ang walang hanggan
  • Ito ang simula ng ating dulo
  • Huwag ka munang umatras
  • Puting bandila'y wag mo munang itaas
  • At bitawan ang mga kinatatakutan kong salitang
  • Nasa dulo ng 'yong dila
  • Huwag mong ibulalas
  • Magsinungaling ka sa'kin
  • Ulit ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa-paniwalaan
  • Ko kahit 'di na totoo
  • Kahit alam ko nang
  • Ito ang simula ng ating dulo
  • Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
  • Hanggang dito na lang ang walang hanggan
  • Ito ang simula ng dulo
  • Unti unting bumibitaw
  • Lumuluwag na ang 'yong kapit at damdamin mo'y malayo
  • Lingunin mo naman ako at ang mga
  • Plano at pangako na ngayo'y iiwanan mo
  • Ganun pa man wala pa ring katulad ang iyong ganda
  • Kahit nagpapaalam na't nagsasabi na
  • Ito ang simula ng ating dulo
  • Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
  • Hanggang dito na lang ang walang hanggan
  • Ito ang simula ng ating dulo
00:00
-00:00
查看作品詳情
Para kay ....

423 40 3287

2021-6-27 11:29 realmeRMX2151

禮物榜

累計: 0 74

評論 40