Magda(Acoustic)

Magdalena ano'ng problema

  • Magdalena ano'ng problema
  • Bakit 'di ka makawala sa kadena
  • At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda
  • Ng hanapbuhay mo ngayon
  • Magdalena ano'ng problema
  • Alam naman natin na dati kang Nena
  • At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
  • Ano'ng nangyari sa 'yo
  • Ito'y kuwento ng isang babaeng
  • Tulog sa umaga gising sa gabi
  • Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
  • Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
  • Simulan na natin ang istorya
  • Ako'y kanyang matalik na kaibigan
  • Ernesto ang aking pangalan
  • Kuwentong dapat n'yong malaman
  • 'Wag nang magbulag-bulagan
  • Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba
  • Pagbibigyan kita kilala mo ba si Magda
  • Na aking kababata mula pa nang pagkabata
  • Kami'y laging magkasama mga bangkang papel sa sapa
  • Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
  • At 'pag s'ya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
  • Ubod ng ganda noong s'ya ay nagdalaga
  • Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
  • Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
  • Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
  • At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
  • Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
  • Kahit parang hindi pantay nagmamadaling hinila
  • Pinakilala n'ya lalaki na taga-Maynila
  • Magdalena ano'ng problema
  • Bakit 'di ka makawala sa kadena
  • At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda
  • Ng hanapbuhay mo ngayon
  • Magdalena ano'ng problema
  • Alam naman natin na dati kang Nena
  • At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
  • Ano'ng nangyari sa 'yo
  • Maraming taon ako'y nalipasan pinilit ko mang takasan
  • Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
  • 'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
  • Minamahal ko s'ya hahanapin ko si Magda
  • Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
  • Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
  • Nakita ko'ng larawan n'ya na nakadikit sa pintuan
  • Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan
  • Ang kanyang mata tamis ng kanyang ngiti
  • Dahil ubod ng saya 'di na nag-atubili
  • Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
  • Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
  • Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
  • Sa maliit na entablado ay nakita ko na
  • Ako ay nagtaka nagtanong nagkamot
  • Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot
  • Ito'y kuwento ng isang babaeng
  • Tulog sa umaga gising sa gabi
  • Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
  • Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
  • Ituloy natin ang istorya
  • Agad s'yang sumama sa 'kin walang kakaba-kaba
  • Trato n'ya sa 'kin ay nobyo tila kataka-taka
  • Bumaba sa taxi'ng pinara sa may Sta Mesa
  • Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
  • Kung ito'y panaginip ayoko nang magising
  • Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
  • Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
  • Liham para sa 'kin na isinulat n'ya magdamag
  • Kahit gulong-gulo ang isip pinilit kong basahin
  • 'Di malilimutan ang mga sinabi n'ya sa akin
  • Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
  • 'Di na 'ko nagpaalam 'di na kita ginising
  • Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
  • At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
  • Nang iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
  • Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
  • Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
  • 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
  • Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
  • Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
  • Kung mabaho sabunin kung makati gamutin
  • Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
  • Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
  • Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
  • Isa lang ang kaya kong sa 'yo'y maipagmalaki
  • Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
  • Gusto ko mang manatili sa 'yong mga yakap
  • Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
  • Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
  • At ang katulad ko sa 'yo ay 'di karapat-dapat
  • Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
  • Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
  • 'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
  • Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
  • Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
  • Salamat sa alaala nagmamahal Magda
  • Magdalena ano'ng problema
  • Bakit 'di ka makawala sa kadena
  • At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda
  • Ng hanapbuhay mo ngayon
  • Magdalena ano'ng problema
  • Alam naman natin na dati kang Nena
  • At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
  • Ano'ng nangyari sa 'yo
  • Ito'y kuwento ng isang babae
00:00
-00:00
查看作品详情
Gloc pasok!

19 5 1

2022-2-1 17:02 XiaomiM2007J20CG

礼物榜

累计: 0 3

评论 5