Iisang Tulay

Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila

  • Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila
  • Tumutok ang pangalan sa roleta't makilala
  • Sa daming kumikinang marami parin ang iilang
  • Yamang di pa nakikita na parang yamashita
  • Iba't ibang pakara kanya-kanyang mga padama
  • May mahusay may pera may tyaga at nakachamba
  • Patipato ang gusto kahit may pamanggulo
  • Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo
  • Industriyang kinamulatan nating tila paligsahan
  • Kanino tatapat ang ilaw dito sa gitna
  • Aral na di kagad pumasok sa ulong may katigasan
  • Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
  • Mga iheng nagtaasan mga kwentong paangasan
  • Ngyare tong lahat sa nilakaran kong daanan
  • Alam mo na di kailangan mgbungguan magbanggaan
  • Kung tayo tayo din ang magkikita sa hangganan
  • Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
  • Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
  • Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
  • Isa lang ang dadaanan nating tulay
  • Ibat ibang himig minsan negosyo minsan ay hilig
  • May mga bunga ng galit at may dahil sa pag ibig
  • Maraming nagsisitsitan sa daming nagsisiksikan
  • Sa pila nag sisingitan sa pwesto nag kikiskisan
  • Kampo kampo bukod bukod lahat may saksak sa likod
  • Pag bago para bang obligadong maging taga sunod
  • Lahat may pang ambag lahat puro gigil
  • Kada may dadagdag meron naniningil
  • Nakikiuso lang pag bago laos na pag naluma
  • Mababaw pag sumikat pg malalim di makuha
  • Ng kamulatang pasa pasa
  • Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura
  • Sama sama sa isang tulay habang naglalaglagan
  • Kapayapaan ang sinisigaw habang nagbabanggan
  • Tayo tayo di na magbabago lika sumama ka
  • Buksan ang isip na sarado sa pagkakaisa
  • Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
  • Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
  • Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
  • Isa lang ang dadaanan nating tulay
  • Hatakan tayo paakyat hanggat sa umangat
  • Hanggang ang ating musika ay tangkilikin ng lahat
  • Akayin ang mga luma gabayan ang mga bago
  • Bawas nega bawat kilos dapat laging positibo
  • Sakripisyo tyaga at hirap pagsusumikap
  • Ang mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap
  • Alam ko na alam nyo rin
  • Na kaya natin tong gawin
  • Sa ngalan ng kultura sama sama natin tawirin
  • Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
  • Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
  • Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
  • Isa lang ang dadaanan nating tulay
  • Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
  • Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
  • Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
  • Isa lang ang dadaanan nating tulay
00:00
-00:00
查看作品详情
Pasok bibe🤩🎤🤘

20 1 812

2021-8-3 21:06 iPhone X

礼物榜

累计: 0 1

评论 1