Samin

Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan

  • Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan
  • Ng gera at digmaan na to'y magkabilaan
  • Ko na palaging tangan sa kaliwa't sa kanan
  • Mga pinanghawakan ko na di mabitawan
  • Nagpatuloy sa pagsulat paglikha't pagawa nya
  • Ng melodiya't ritmo ng rima't mga bara
  • Sumikat makilala tinig maisa-plaka
  • Kahit na para bang hindi ganun katingkad ang pag asa
  • Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
  • Lumaking wasak ang pamilya di pa nakapagtapos
  • Kulang sa kaalaman sa salapi din ay kapos
  • Anumang meron at wala'y akin ng pinagpasa-Diyos
  • Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram
  • Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
  • Dumiretso lumiko mapraning
  • O tumino magtagumpay o mabigo langit lang ang may alam
  • Kahit marami mang putik saking talampakan
  • Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
  • Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay
  • Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
  • Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
  • At maiuwi ko samin ang tagumpay
  • Samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip
  • Naging sang batang palaboy na kung san-san tumitira
  • Sa ilalim ng tulay sa delpan pedicab o jeep
  • Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang humihinga
  • Sa mura ko na gulang natuto magka-gulang
  • Nagkapangil nagkasungay buntot na lang ang kulang
  • Sa mundo na madupang walang kapatawaran
  • Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
  • Nang biglang suminde bumbilya nyang punde
  • May boses na bumulong ang sabi di pa yan huli
  • Ika'y di lang kabute
  • Kundi lotus na halamang kayang mamukadkad kahit sa tubig na marume
  • Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa
  • Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
  • Tila nagsikap pa din na wag mahambing sa kanila
  • Kahit samin ay mahirap ang maging kakaiba
  • Dahil kahit marami mang putik saking talampakan
  • Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
  • Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay
  • Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
  • Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
  • At maiuwi ko samin ang tagumpay
  • Samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Mauwi ko samin ang tagumpay
  • Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
  • Pusong do-do-do or die
  • Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
  • Pusong do-do-do or die
  • Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
  • Pusong do-do-do or die
  • Ako'y parang estudyanteng hara-haragan
  • Nangarap mag-sumakumlaude sa kalakaran
  • Ng mga turo at diskarte para-paraan
  • Karanasan ang guro't kalye ang paaralan
  • Sinumpa't pinangako kahit na malabo
  • Yung nandun sa malayo'y mararating ko din
  • Liwanag ma'y maglaho at araw ay magtago
  • Mas kikinang pa lalo na parang bituin
  • Kahit gano man kadilim ang buhay
  • Na para kang unti-unting nalilibing sa hukay
  • Magniningning sa kulay
  • Pagkatapos makabangon ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
  • Taya'y pati pato kahit anuman
  • Ang pwede't posibleng maging hantungan
  • Naisangag ko na ang kaning bahaw bago pa mapanis saking baunan
  • Mga nag-abono nung ako ay taglugi
  • Kasama ko pag nagbunyi pasasalamat ang sukli
  • Nung ako'y di pa tuli wala pang ngipin at bungi
  • Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
  • Nag-lakbay bunga ng pag-ibig galit o muhi
  • Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
  • O kahit san makarating pag nagtagpo tayong muli
  • Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi ugh
  • Yeah
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Come to join my duet!

48 5 3685

2023-5-4 21:07 INFINIX MOBILITY LIMITEDInfinix X657B

Tangga lagu hadiah

Total: 0 5

Komentar 5