Duwag

Siya'y kilala nang lahat

  • Siya'y kilala nang lahat
  • Na isang duwag na tao
  • Pakumbabang tinanggap niya
  • Ang hamak na bintang
  • Pangalan niya ay tammy
  • Hindi dapat parisan
  • Siya'y isang lalaking isinilang na duwag
  • Ama niya'y kapatid ko
  • Namatay sa kulungan
  • Siya'y sampung taon lang aking inalagaan
  • At ang huling habilin niya
  • Ang wika niya'y
  • Tammy buhay ko'y tapos na nasa simula palang
  • Oh anak ko ipangako sa akin
  • Sana'y nagawa ko'y wag gawin
  • Laging nasa huli ang gawang pag sisisi
  • Sana ako'y maunawaan
  • Hinahon ay isang katapangan
  • Bawat tao'y mayrong mahal
  • Mahal nitong si becky
  • Ngunit di naipakitang siya ay lalaki rin
  • Isang araw wala siya
  • May pangkat na dumalaw
  • Halinhinan si becky pinagsamantalahan
  • Nang buksan niya ang pinto
  • Nakita niya si becky
  • Tumatangis at ang damit ay gula gulanit
  • Ngunit isang larawan ang kanyang napagmasdan
  • Ang larawan ng kanyang ama sa kanya'y nagbibilin
  • Oh anak ko ipangako sa akin
  • Sana'y nagawa ko'y wag gawin
  • Laging nasa huli ang gawang pag sisisi
  • Sana ako'y maunawaan
  • Hinahon ay isang katapangan
  • Ang pangkat ay nagtawanan nang siya'y matigilan
  • Siya'y tumalikod at tinungo'y pintuan
  • At ang sigaw pa ng isa
  • Duwag ay aalis na
  • Ngunit di nila napansin kasa ng kanyang baril
  • Kay tagal naghirap ang isip at damdamin
  • Hindi na niya matitiis ang dusa't pasakit
  • Hindi na pigilan at isa isang tinodas
  • Ito'y dahil kay becky na kanyang minamahal
  • Nangako ako sa iyo aking ama sanang yong nagawa'y di gagawin
  • Di na matitiis ang naranasang pasakit
  • Sana iyong maunawaan
  • Dapat ipaglaban ang iyong dangal
  • Siya'y kilala nang lahat na isang duwag na tao
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Let's listen to my solo!

16 3 4119

8-31 19:51 realmeRMX3195

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 5 202

ความเห็น 3