Mata sa Tala, Paa sa Lupa

Nakatingin sa kalawakan

  • Nakatingin sa kalawakan
  • Mga mata ay nasa tala
  • Sa lupa na nilalakaran
  • Sino nga bang mag-aakala
  • Nagmula sa ilalim umahon at nanalangin
  • Na kahit na alanganin sana naman mapasakin
  • Minimithi ko't hangarin ang pamilya mapakain
  • Munting talentong dalangin katumbas ng mga kanin
  • At ulam na maihain kahit medyo mahiyain
  • Pinilit ko mikropono at ang kable ay hilahin
  • Maaari po bang gamitin para sa aking awitin
  • Pero sila'y natatawa natutuwa na laitin
  • Hindi raw uso ang rap ano daw ang sasapitin
  • Kung di tanggap ng tao aking bawat sasabihin
  • Itigil ko na raw sila'y wag nang subukang alukin
  • Pero pangarap ko 'to at gusto ko lang na abutin
  • At napasali sa contest isang pyestahan nung gabing
  • Nasa San Juan kung saan unang beses akong naging
  • Freestyle king at napasuntok pa sa dingding
  • Nang iabot ang isanglibo na tumataginting
  • Asawa ko ang sumalubong pagdating ko sa amin
  • Sabay abot ng pera at napangiti ng bilangin
  • May panghanda na tayo ako'y naluha ng yakapin
  • Kase nung araw din yun kaarawan ng anak naming
  • Nakatingin sa kalawakan
  • Mga mata ay nasa tala
  • Sa lupa na nilalakaran
  • Sino nga bang mag-aakala
  • Kapag tinitingnan ko ang mga bakas sa likuran
  • Sa bawat pintuan na sinubukang hintuan
  • Na hindi pinagbuksan itinuloy ko lang ang lakad
  • Pursigido ang sarili na dapat gawin ko yan
  • Nakipagsapalaran lagi pang may paraan
  • Kahit minsan may pasan ko langit ang nakadagan
  • Bawat santo na alam ay aking dinadasalan
  • Di sumuko di tumukod nakapila sa daan
  • Kahit na itong sapatos eh butas ay kakayanin
  • Na lakarin tahakin bahala na kung papalarin
  • Walong libong kilometrong agwat mula dun sa amin
  • Nandito ko sa bansa na mas marami ang buhangin
  • Para lang sa pamilya ako'y hindi padadaig
  • Tinitiis ko ang inip at ang lungkot pati lamig
  • Nitong gabi na mag-isa ang luha ko walang patid
  • Pero di dapat indahin gusto ko lang ipabatid
  • Na pangarap at inspirasyon ang lagi kong rason
  • Kung bakit buhay pa rin humihinga hanggang ngayon
  • Bigla akong pinauwi ewan ko ba't nagkaganon
  • Yun pala ay may naghihintay na pagkakataon
  • At ito yon
  • Nakatingin sa kalawakan
  • Mga mata ay nasa tala
  • Sa lupa na nilalakaran
  • Sino nga bang mag-aakala
  • Yung nakikita mo sa TV pati sa social media
  • Sinong nag-aakala na dati umuuwi sya
  • Na walang pamasahe binabaybay ang avenida
  • Para lamang tipirin ang kakarampot nyang kinikita
  • Yung nakikita mo ngayong pinapalakpakan
  • Ay nakaranas matulog habang pinapapak pa yan
  • Ng lamok at puro kamot ang kumakalam na tiyan
  • At may anak sya sa tabing kinakailangan paypayan
  • Yung nakikita mo ngayon sa dyaryo at sa magazine
  • Yung bata na dati ay nag-uulam ng asin
  • Yung napakinggan mo sa radio ng interview-hin
  • Ordinary lang syang tao at sya ay tulad mo rin
  • Yung nakikita mong tumatanggap na ng plake
  • Ay minsan din sa buhay nya sya ay naiisantabe
  • Dati wala silang pake kasi walang bumibile
  • Sa mga awit subalit pinilit nyang magpursige
  • At yung nakikita mo sa itaas ng entablado
  • Ay dati na rin syang hindi pinapansin ng tao
  • Kasi daw ay mukhang gago basura kung i-trato
  • Ngayon madami nang nagpapakuha ng litrato
  • Ang ibig ko lang sabihin hindi lagi sa baba
  • Kakayanin magawa kung dadaanin sa tyaga
  • Sige mangarap ka ng mataas nakakalula
  • Basta ang mga paa nakasayad lagi sa lupa
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Akin ang Korus para smooth ang Banat.

26 4 1

2021-9-23 23:16 OPPOCPH1701

Carta hadiah

Jumlah: 0 0

Komen 4