NENA by Banyuhay

Ang nanay n’ya’y naglalaba,

  • Ang nanay n’ya’y naglalaba,
  • ang tatay n’ya’y pagod
  • Galing sa trabaho
  • wala pang tulog
  • Si Nena’y nagbabasa
  • nag-aaral pa
  • Nag-iisang anak
  • ng kanyang ama’t ina
  • Tanging pag-asa
  • ng kanyang ama’t ina
  • Ang nanay n’ya’y umiiyak
  • ang tatay n’ya’y patay
  • Naipit ng makina
  • doon sa pabrika
  • Sinikap ng kanyang nanay
  • na sila ay mabuhay
  • Sa paglalaba
  • ay tumulong s’ya
  • Si Nena’y natigil
  • sa pag-aaral n’ya
  • Lumaki si Nena
  • di nakapag-aral
  • Di natitiyak
  • kung ano ang bukas
  • O, kay hirap ng buhay
  • na kanyang dinanas
  • Ang tanong niya’y
  • “kailan ito magwawakas?”
  • Ang nanay n’ya’y nakahiga
  • mata’y nakapikit
  • Sa labis na trabaho
  • ito’y nagkasakit
  • Si Nena’y nababalisa
  • kailangan n’ya’y pera
  • Walang mauutangan
  • saan kukuha?
  • Kailangan niya’y pera
  • saan s’ya kukuha?
  • Lumaki si Nena
  • kaakbay ay hirap
  • Di natitiyak
  • kung ano ang bukas
  • O, kay hirap ng buhay
  • na kanyang dinanas
  • Ang tanong niya’y, “saan ito magwawakas?”
  • Bago dumilim,
  • si Nena’y umaalis
  • Laging naka-make-up,
  • maiksi ang damit
  • Ang itsura n’ya
  • ay kaakit-akit
  • Bukas na ng umaga
  • ang kanyang balik
  • Ayaw ni Nena,
  • ngunit s’ya’y nagigipit
  • Oh hmmm
  • Nena, Nena
  • Hmmm…
  • Tulad ni Nena,
  • marami pang iba
  • Kahit saan maraming Nena..
  • Uploaded by
  • Mhar
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

18 3 1

3-4 17:40 realmeRMX3191

Quà

Tổng: 0 1

Bình luận 3