Ako'y Di Para Sa'yo (feat. Kithara)

Nagkita tayo ng hindi mo ko kilala

  • Nagkita tayo ng hindi mo ko kilala
  • At di ko inakala na yun ang umpisa
  • Na dapat di nasimulan dahil ako ay di malaya
  • Ika'y natagpuan pero hindi ka tinadhana
  • Para sakin teka dapat nga bang mapasatin
  • Ang isang relasyong nasa sitwasyon na alanganin
  • Pag-ibig nga naman ang lahat ay hahamakin
  • Pero di ba pag mali di na dapat pang hanapin
  • Tawid dagat ang agwat at nagtama ang landas
  • Nang mapunta sa bansa kung sa'n nandoon ka at
  • Parang paglitaw mo lang matapos araw ng undas
  • Naging sulit ang byahe kasi ikaw ang katumbas
  • Na dapat sana'y di ganon kase dapat ibaon
  • Lahat sa limot pero bakit naikot pa rin ngayon
  • Sayo ang mundo kong masalimuot nagkaron
  • Ng rason dahilan para humugot ng tanong
  • Na kung di pala pupwede bakit pinagtatagpo
  • Kung kailan may namagitan saka pinaglalayo
  • Darating pa ba ang araw na ikaw lang at ako
  • Ang magkahawak magkayakap ng hindi nagtatago
  • Pwede mo akong iwasan ng lahat ay mahinto
  • Dahil ayokong maranasan mong ikaw ay mabigo
  • Bakit ngayon ko lang naisip naging tanga ako
  • Na di mo dapat mahalin ang taong di para sayo
  • Isipin mo
  • Hindi siya para sa'yo
  • Kayanin mo
  • May darating para sa'yo
  • Nakasakay sa eroplano ang tanaw abot baba
  • May tanong pa rin sa isip pero ang sagot wala
  • Inalis na ang mensahe na iyong pinadala
  • Ang alisin kita sa buhay ko yan ang di magawa
  • Di ko nga ba magawa o ayaw ko lang gawin
  • At ayaw lang tanggapin na kailangang tanggalin
  • Di na dapat nagsubok pa na ikaw ay asamin
  • Sana di na lang pala bakit nangyari pa rin
  • At makikinig ka ba kung sasabihin kong patawad
  • Sa sandaling oras ika'y napamahal na kagad
  • Pero kailangan ko sayo ay palayong lumakad
  • Bago pa mga kamay mo sa kamay ko ay sumayad
  • Kung dito lang sa dibdib ko pwede lang maghalungkat
  • Makikita mo ang puso ko kung pano manumbat
  • Na kung ba't hinayaan na ikaw ay hinangaan
  • Tapos di ko namalayan nahulog na sayo at
  • Hindi ko na dapat pa ginawa na kausapin ka
  • Tapos patawanin ka tapos pangarapin ka
  • Okay lang ako kaya wag mong alalahanin na
  • Nasasaktan ako ang gusto ko ay palayain ka
  • Mag-ingat ka palagi langit sana'y pagpalain ka
  • Aalis na ko at wag na nating pahabain pa
  • Salamat sa pagmamahal ayokong paasahin ka
  • Mahal kita pero mali ang mapasakin ka
  • Isipin mo
  • Hindi siya para sa'yo
  • Kayanin mo
  • May darating para sa'yo
  • Wag kang manghihinayang
  • Hindi ka niya kailangan
  • Ilang taon lumaban
  • Bakit ako lang
  • At kaya aalis na ko hindi mo ko kailangan
  • Mahirap na umasa pag tadhana ang kalaban
  • Alam natin na mali mga nakaw na sandali
  • Dapat na kong umuwi dahil masasaktan ka lamang
  • Puno ng alinlangan ang dibdib puro kaba
  • Kailangan natin tong tigilan na habang buo ka pa
  • Dahil ayoko na masira ka sakin maging tanga
  • Akala ko kaya ko eh ang sakit pa din pala
  • Oo aaminin ko minamahal pa rin kita
  • Pero kapag itinuloy to may masasaktang isa
  • Huli na ang lahat di tayo pwede sapagkat
  • Ako ay para sa kanya ikaw ay para sa iba
  • Kaya titigan mo ako ngayon saking mata
  • At sabihin mo sa akin na umaayaw ka na
  • Yung nangyari sa kahapon hayaan na lang matapon
  • Dahil ang mundong ito'y di para sating dalawa
  • Ako'y di para sa'yo
00:00
-00:00
查看作品详情
first time ko2 first songs 2022

23 2 5163

2022-1-24 22:22 vivoV2032

礼物榜

累计: 0 10

评论 2