Huwad

Naalala ko pa bago nawalan ng malay

  • Naalala ko pa bago nawalan ng malay
  • Nangingisayngisay hindi makagulapay
  • Sa pag ibig ko sayo sayo ako'y litong lito
  • Di ko akalain na magiging ganito
  • Biglang nagbago ang takbo natuto ng sumalisi
  • Parang akyat bahay nagdaraan sa kisame
  • Diskarte kung ito kung sadyang mabubuko
  • Mahuliman at mahuli uulitulitin ko
  • Mamataymatay kasi ako sa tamis ng yong ngiti
  • Mga kurot mo sakin na nakakakiliti
  • Mga haplos mong nakakabuhay ng patay patay
  • Matamis mong oo ay hindi ko na mahihintay
  • Paano ko ba ilalagay ang puso ko sa iyong tabi
  • Hinahanap hanap kita mapaaraw mapagabi
  • At hindi mapakali pag di kita natatanaw
  • Magwawala ako kapag hindi ka lumitaw
  • Ikaw ay aking mahal pusot kaluluwa'y sayo ko lang ibibigay
  • Ang pag ibig kong ito ay para lang sayo
  • Ooohhhh mahal ko
  • Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay ko
  • Nang sabihin nya sa akin ang mahal nya'y di ako
  • Ginamit nya ako upang kanyang makalimutan
  • Dating kasintahan na nakikipagbalikan
  • Wala na raw lahat ang pinangako nya sa akin
  • Pagmamahal ko raw sa iba ko na ibaling
  • Pero paano ang gagawin ang magmahal ay limot ko na
  • Ngayon puot at galit ang tanging nadarama
  • Akin bang naituwid ang aking pag kakamali
  • Kung ako ay napapayag ako'y nag kunwari
  • Di ko mawari ang bigat na dinadala ng kalooban
  • Ikaw ang kasalanan hindi ko kayang maiwasan
  • Minamabuti ko nalang na akoy magbilang
  • Araw na mag daan muntik ng mabuang
  • Gumawa ng kanta at akoy sinita
  • Lagi na raw tulala parabang nalanta
  • Sinabi mo nga na maraming hadlang
  • Ramdam ko na rin na magkalabuan
  • Yun ba ang dahilan yun ba ang paraan
  • Eto ako ngayon umuwing luhaan
  • Ikaw ay aking mahal pusot kaluluwa sayo ko lang ibibigay
  • Ang pag ibig kong ito na para lang sayo bakit sinayang mo
  • Ngayon kahit ika'y mahal pilit lilimutin pagkat ako'y
  • Nasasaktan paasahin lang ako pagkatapos ay ano iiwan lang ako
  • Oh aking mahal ba't ako nilinlang
  • Anong akala mo sa akin mangmang
  • Akala mo siguro'y di ko matatanto
  • Na ang isang katulad mo ay manananso
  • Nagbabalat kayong daig mo pa'y camellion
  • Animo'y tupa pero mas mabangis pa sa leon
  • Nagbabalakbalak ako ay sakmalin
  • Masisisi mo ba ako kung ikaw ay aking sapakin
  • At sa pag ibig nyang huwad mga brad aking nailahad ang lahat
  • Ng nararamdaman pagkat akoy kanyang sinagadsagad
  • Pinipilit ko naman siya'y aking intindihin
  • Ngunit walang kasing sakit ang ginawa nya sa akin mamen
  • Oo oh aking mahal nagtiwala ako sa iyo ng lubos
  • Iniwanan mo na naman na naman pati pera koy ubos na ubos
  • Bakit di mo nalang sinabi agad bakit di mo nalang pinagtapat
  • Pinaibig mo pa ako sinayang ang lahat lahat
  • Ngayon kahit ikay mahal pilit kalilimutan
  • Ayoko na maging hangal
  • Ang pag ibig kong ito na paralang sayo
  • Bakit sinayang mo
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to my solo!

41 6 4254

2021-8-9 15:01 samsungSM-A107F

Tangga lagu hadiah

Total: 0 1

Komentar 6