Kaputol Ng Isang Awit

Hindi nagkakaiba simula ng ating buhay

  • Hindi nagkakaiba simula ng ating buhay
  • Doon sa sulok ng daigdig na kapus sa kapalaran
  • Ang bawat araw na nagdaan ay di malimutan
  • Paghihirap ko'y madagdagan
  • Mayro'n habang ibang paraang mabuhay
  • Kaya sa iba't ibang landas
  • Ako ay napadpad hangga't di ko nahahanap
  • Ano o sinong mayro'ng kapangyarihang baguhin
  • Kahit na lumipas at darating pang bukas
  • Minsan ako'y nakarinig
  • Isang maamong tinig mula sa aking dibdib
  • Sabi niya kapag ngiti sa puso'y nagbalik
  • Asahang mababago kinagisnang daigdig
  • Kapag ang puso mo'y natutong ngumiting muli
  • Madarama'y pananabik bawat sandali
  • Sakaling minsan pa sa'yo dumaan ang kalungkutan
  • Ang tangan mong pag-asa
  • Ang iyong lakas patungo sa hinihintay na bukas
  • Kaya sa iba't ibang landas
  • Ako ay napadpad hangga't di ko nahahanap
  • Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin
  • Kahit na lumipas at darating pang bukas
  • Nais ko lang ika'y tulungan
  • Katotohan iyong matagpuan
  • Minsan ako'y nakarinig
  • Isang maamong tinig mula sa'king dibdib
  • Sabi niya kapag ngiti sa puso'y nagbalik
  • At may tiwala sa kapangyarihang taglay ng pag-ibig
  • Asahan mong may himalang magaganap
  • Sa buhay mo't daigdig
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

16 0 2592

7-4 21:43 realmeRMX3690

Gifts

Total: 0 2

Comments 0