Ang Parokya

Ay naku ay naku ay naku ay naku ay naku ay naku

  • Ay naku ay naku ay naku ay naku ay naku ay naku
  • Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
  • At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan
  • At kahit na anong mangyari pare steady ka lang
  • Pangako namin sa inyo palaging tandaan
  • Na ang Parokya kahit na hindi magaling
  • Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
  • Tumatanda na pero nandito pa rin
  • At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
  • Nandyan si Dindin ang drummer naming cute na cute
  • Kaibigan ko na sya mula nung '82
  • Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag commute
  • Pati mag drums pero ok lang yan chong salute
  • Grade 3 nung nakilala ko si Montaner
  • Ang aming back up extra ordinaire
  • Sa bawat gig handa syang magpakamatay
  • Kasi nag iisa yung kanta nya yung Picha Pie
  • Si Buhawi pinakamagulong bahista
  • Magaling malupit para syang karatista
  • Pag inyong makita kala mo rakista
  • Pero gusto nya lang talaga maging fashionista
  • Si Gab gitarista namin na malupit
  • Anak ng teacher kaya akala mo mabait
  • Pero kung minsan inaatake ng kulit
  • Nawawala bigla ang modo banatan sa pw*t
  • At ang huli si Darius Gerard Semaña
  • Ang pinakamatandang member ng Parokya
  • Wala kaming mahanap na ibang gitarista
  • Kaya kinuha namin sya kahit Lasalista
  • Ang Parokya kahit na hindi magaling
  • Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
  • Tumatanda na pero nandito pa rin
  • At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
  • Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
  • Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
  • Tumatanda na pero nandito pa rin
  • At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
  • Ako si Gloc9 batang Binangonan Rizal
  • Sipag tyaga dugo pawis na may kasamang dasal
  • Di pwedeng mainip kahit na gaano pa katagal
  • Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal
  • Balikan natin ang storya nanalo ng trophy
  • Si Chito Miranda nakita ko sa kod li
  • Ako'y napa isip at medyo nangarap ng konti
  • Baka nga may mapala ang isang makatang promdi
  • Lumipas ang isang taon may tumawag sakin
  • Nang sabihin nya kung sino sya gusto ko syang murahin
  • Nang aking pinuntahan di ko sukat akalain
  • Makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng marami
  • Bagsakan ang nangyari
  • Samahang binuo namin wala akong masabi
  • Kasama mo pa si Gab si Buwi Vinci Darius at si Dindin
  • Mula noo'y di na ko nakatulog ng mahimbing
  • Palaging atat ipadinig sa lahat
  • Kung saan nagmula ang tulang nag ugat
  • Dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
  • Dahil susunod na sakin ang anak ng alamat
  • Oh
  • Sintamis ng makopa para bang naka toga
  • Nakamit na ang inaasam nilang diploma
  • 'Di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
  • Kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona
  • Yan si Chito at ang tropa pagkabibo ay sumosobra
  • Pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
  • Pag pumito na si kuya alam nating magulo na
  • Mang pulis ho totoo na ako'y testigo ilang taon na
  • Kulang nalang sulat ko'ng pangalan nila sa balota
  • Walang pinoy na takot sa kanila
  • Kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada sila ang pipiliin
  • Na kalahok tampok sa kalokohang subok
  • Walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
  • Sa pintuan palang hindi mo kayang makatok
  • Sa bituka palang sila'ng mas matatag
  • Sa totoo lang 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab
  • Chee Kee Vinci Moreno Semana at Meneses
  • Nominado at nanalo ng maraming beses
  • Nakalathala sa punong Acacia
  • Ang Diyos ay marunong humasa
  • 'Di ba halata na binasbasan ng Bathala 'sing tibay ng Narra
  • 'Di natakot mangarap pakinggan niyo'ng Harana
  • Mga kapatirang pariwara na inararo ng drama
  • Itaga niyo na sana sa bato at mangako na habambuhay magsasama
  • Ang Parokya kahit na hindi magaling
  • Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
  • Tumatanda na pero nandito pa rin
  • At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
  • Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
  • Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
  • Tumatanda na pero nandito pa rin
  • At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

50 3 5785

2022-3-11 15:51 samsungSM-A125F

Gifts

Total: 0 4

Comments 3