Titig

Tinititigan at hindi maiwasan

  • Tinititigan at hindi maiwasan
  • Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
  • At pinag iisipan ko kung anong paraan
  • Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
  • Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
  • Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya ohh
  • Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin
  • Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
  • Ayoko rin naman 'to kimkimin kaso mukhang
  • Hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin
  • At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin
  • Bitin kahit ano pa man ang aking inumin
  • 'Yung tapang ay wala pa rin sa'n ko hihiramin
  • Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
  • Pa'no sasama kung hindi ako nag aaya
  • Pa'no tatama kung hindi ako tumataya
  • Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya
  • Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya
  • At sobra sa pag asa kulang sa kumpiyansa
  • Kaya mukhang malabong magka tyansa
  • Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha
  • 'Yun ang matagal ko nang pantasya
  • Matagal na kitang sinusundan
  • Tinititigan at hindi maiwasan
  • Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
  • At pinag iisipan ko kung anong paraan
  • Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
  • Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
  • Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
  • 'Di lang ako kumikibo matagal nang tumitibok
  • Ang puso ko para sa 'yo kaso minsan kumikirot hmm
  • 'Di ko kasi masabi 'di ako umaarte lang
  • 'Di ko rin alam kung papaano aatake
  • Kasi baka naman ako ay tablahin
  • Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain
  • Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin
  • Para gising na 'ko tamang panahon
  • Aantayin ko na lamang
  • Kasi wala namang masama sa magtiyaga
  • Kung para sa 'kin ka e 'di mag aabang ako hanggang sa merong mapala
  • Kaso wala namang mapapala lalo't 'pag wala akong ginawa
  • Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag antay ng himala
  • 'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago
  • Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo
  • Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo
  • Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago Kasi
  • Matagal na kitang sinusundan
  • Tinititigan at hindi maiwasan
  • Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
  • At pinag iisipan ko kung anong paraan
  • Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
  • Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
  • Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
  • Oh oh oh
  • Matagal na kitang sinusundan
  • Tinititigan at hindi maiwasan
  • Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
  • At pinag iisipan ko kung anong paraan
  • Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
  • Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
  • Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
00:00
-00:00
查看作品詳情
Please complete the Rap part 🤘

20 3 1

2022-2-17 11:06 iPhone 11 Pro

禮物榜

累計: 0 3

評論 3