Aking Hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

  • Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
  • Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
  • Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
  • Kung ako'y tatanungin sasambitin
  • Ikaw lang ang aking hiling
  • Di ko akalain na makikilala
  • Ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
  • At bigla na lang napalunok napatameme nabulaga
  • Para bang hinele natulala
  • Nang papalapit ka sa akin diyos ko para kang anghel na ibinaba
  • Ng langit para mahalin ng tagalupang tulad ko na di mo kalevel
  • Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo
  • Pa sa magkabilang dulo ng tore de babel
  • Pagkat ikaw ay isang diwata
  • Mas makislap pa sa mga tala
  • Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito'y labis na paghanga
  • Di ko maipaliwanag ang nadarama sa tuwing magkasama tayong dalawa
  • Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung gano ka ba kahalaga
  • Pagkat buong araw ko ay kumpleto na
  • Sa ngiti mo pa lang kuntento na
  • Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula
  • At nang dumalaw sa bawat araw
  • Ikaw na nga raw hanggang pumanaw
  • Walang kaagaw sa puso ko
  • Daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
  • Akalain mo kala ko ay panaginip lang ang mga to
  • Kung sino pa talaga yung di mo inasahang
  • Makilala yun pa yung babago ng buhay mo
  • Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
  • Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
  • Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
  • Kung ako'y tatanungin sasambitin
  • Ikaw lang ang aking hiling
  • Sa milyong milyong tala
  • Kahit hindi na mapansin ang hiling ko
  • Hinding hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo
  • Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang
  • Sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
  • Ang katulad mo lang ang may kakayanang
  • Makapagtanggol sakin hangad kong makatuluyan
  • Nanatili na sa isip
  • Damdamin ko na di matahimik
  • Nakatingala sa mga bituin sana'y magising
  • Sa magandang panaginip
  • Magkatotoo na mabago ang mundo dahil di ko
  • Na alam kung sa papanong paraan pa
  • Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito
  • Nadarama na makamtan ka
  • At sana sakin ikaw ay itadhana di sasayangin
  • Ang pagpapala hanggang sa pagtunog ng kampana
  • Makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar ohhh
  • At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
  • Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako'y nahimlay
  • Sa mala dyosa mong ganda
  • Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapamiss
  • Ako akin na bukas sa maamo mong mata
  • Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon
  • Para tuparin ang mga pangarap
  • Inspirasyon at destinasyon ikaw ang aking
  • Masaya at masaganang tahanan
  • Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
  • Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
  • Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
  • Kung ako'y tatanungin sasambitin
  • Ikaw lang ang aking hiling
  • Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba
  • Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
  • Malayo ma'y malapit lang langit at lupa'y kayang tawirin sinta
  • Walang kahapon ang makapagdidikta sa
  • Magandang kinabukasan nating dalawa
  • Ikaw at ako wala ng iba iniibig kita sana palagi mong tatandaan
  • Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan
  • Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
  • Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
  • Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
  • Kung ako'y tatanungin sasambitin
  • Ikaw lang ang aking hiling
  • Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
  • Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
  • Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
  • Kung ako'y tatanungin sasambitin
  • Ikaw lang ang aking hiling
00:00
-00:00
View song details
😷✌🏻

31 0 1

2021-8-24 16:54 红米5 Plus

Gifts

Total: 0 11

Comments 0