Dungaw

Kahit pumikit

  • Kahit pumikit
  • Kitang kita sa bintanang maliit
  • Maalat na tubig
  • Pinupunasan ng panyong punit punit
  • Kahit tahimik
  • Bakit tila 'di ako naririnig
  • Kamang masikip
  • Ang maghahatid sa 'yo hanggang langit
  • Silayan kahit sa huli
  • Ano'ng okasyon bakit ang dami kong dalaw
  • Meron pang rasyon biskwit at kapeng umaapaw
  • Kaibigang ngayon ko na lang nakaulayaw
  • Ng ilang taon parang espesyal na araw
  • Awwuuu awwwuuu
  • Hoy pare bakit ka napadaan
  • Huwag mong sabihin na mangungutang ka na naman
  • Ba't 'di mo subukan na gumawa ng paraan
  • Nang mabayaran mo 'yung nakuha mo nung nakaraan
  • 'Di bale na para sa inaanak ko na lang
  • Pero 'tol baka pwedeng maawa ka naman
  • Tama nang batak humatak kaya palaging may sapak
  • Kailan mo kaya lubusang maiintindihan
  • Alak sugal bato batopik
  • Lumang baraha talunan sa tongits
  • Taguan sa parak tatakpan ka ng komiks
  • Tanong mo sa sarili mo pa'no ba to it's
  • Wala kang mapapala maniwala ka sa 'min
  • Dito ay hindi nag babago ang ihip ng hangin
  • Kung walang makasama pilitin mong kausapin
  • Alam naman natin na pwede kang magaya sa akin
  • Ano'ng okasyon bakit ang dami kong dalaw
  • Meron pang rasyon biskwit at kapeng umaapaw
  • Pamilyang ngayon ko nalang nakaulayaw
  • Aking propesyon lahat ng oras ko'y ninakaw
  • Aking asawa't mga anak
  • Lakas ko na siyang nagtutulak
  • Upang kayanin ko ang lahat
  • Hanggang ako'y 'di na mamulat
  • Aking asawa't mga anak
  • Patawad kung kayo'y nasadlak
  • Sa ganitong buhay
  • Nga pala may perang naka padlock
  • Kahit pumukit
  • Kitang kita sa bintanang maliit
  • Maalat na tubig
  • Pinupunasan ng panyong punit punit
  • Kahit tahimik
  • Bakit tila 'di ako naririnig
  • Kamang masikip
  • Ang maghahatid sa 'yo hanggang langit
  • Silayan kahit sa huli
  • Ano'ng okasyon bakit ang dami kong dalaw
  • Meron pang rasyon biskwit at kapeng umaapaw
  • Bakit po ngayon ko lang kayo nakaulayaw
  • Habang panahon marami lang gustong malinaw
  • Ahmmmm
  • Huwag n'yo po sanang masamain
  • Kung ano man itong bagay na aking gagawin
  • Hindi naman po galit ang mga nakatanim
  • Kundi mga hinaing na binubulong ng palihim
  • Alam ko po na malabo akong makarating
  • Sa bahay n'yong malayo pa sa mga bituin
  • Isa lamang po naman ang tangi kong hiling
  • Lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin
  • Bakit may mga sakit na hindi malunasan
  • Luha ng mga bata na hindi mapunasan
  • Mga may kasalanan na hindi maposasan
  • Dungis sa kababaihan na 'di mahugasan
  • Bakit may gutom sa hirap ay lubog
  • Habang ang iba'y parang hindi nabubusog
  • Siguro ay hindi na kayo mapagkatulog
  • Sa tunog kapag sabay sabay kaming dumudulog
  • Bakit may limos ano ba ang bigay
  • Bakit may anak na nauunang mamatay
  • Sa mga magulang para ilibing
  • Lungkot na wala yatang dapat makatikim
  • Mga aral na tinuturo at nagmula sa
  • Mga salitang sinulat nyo daw at pinasa
  • Sa mga tao na nag uutos ng kabutihan
  • Pero bakit may mas mabuti pa na 'di nakabasa
  • Sila pong mga naiwan sa tahanan n'yo
  • 'Di naman dinidiligan ang halaman n'yo
  • Gamit ang perang nahakot sa pangalan n'yo
  • Sinasabi ko lamang para malaman n'yo
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

111 11 1

2021-9-5 16:32 realmeRMX2040

Gifts

Total: 0 4

Comments 11