Lord Patawad

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan

  • Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
  • Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan
  • Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako
  • Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero
  • Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
  • Sana'y may artista na maka-date man lamang
  • Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez
  • Sana ako'y pumogi pumuti at maging flawless
  • Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan
  • Noong ako'y binasted ng aking nililigawan
  • Problemado po ako at wala 'kong pang-inom
  • Ang hina ko Sa'yo yun ang hinala ko noon
  • Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
  • Ang aking iniisip puro pan-sarili lamang
  • At kapag may mabigat na problema at seryoso
  • Doon ko lang naaalala ang pangalan Mo
  • Lord patawad
  • Pagkat ako'y makasalanan
  • Makasalanang nilalang
  • Lord patawad
  • Pagkat ako'y makasalanan
  • Makasalanang nilalang
  • Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
  • 'Pag may bagong damit na ipagyayabang
  • 'Pag may bagong biling mahal na pabango
  • Kapag bago ang shoes o kaya ang relo
  • Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
  • Pag may jowa akong makakalampungan
  • Kapag may mga bebot na ang gaganda
  • Kapag merong baklitang nakakatawa
  • Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
  • 'Pag andyan ang tropa't nagkayayaan
  • Hahanap ako ng mapagtitripan
  • Pagkatapos ng misa ay aabangan
  • Lord patawad
  • Pagkat ako'y makasalanan
  • Makasalanang nilalang
  • Lord patawad
  • Pagkat ako'y makasalanan
  • Makasalanang nilalang
  • Akala ko dati ay kaya ko na
  • Kaya ko nang mabuhay mag-isa
  • Ang daming trabaho babae't pera
  • 'Pag ako'y sagana 'di Kita kilala
  • Naalala Kita noong ako'y nakulong
  • Parang bubuyog bulong ng bulong
  • 'Pag may kamalasan sa 'king nangyari
  • Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi
  • Kapag merong debate sinong magaling
  • Sinong matuwid sino ang nagsinungaling
  • Ako'y naiiling at mistulang sanggol
  • 'Di man lamang Kita kayang ipagtanggol
  • Sinsolo ko lang ang bigay mong Blessing
  • Kumanta ako dapat ay bayad din
  • Bakit nga ba Sa'yo ay wala akong time
  • Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa akin ng time
  • Lord patawad
  • Lo
  • Lord
  • Lord Lord Lord patawad
  • Lo
  • Lord
  • Sa puso ko'y lagi Siyang kumakatok
  • 'Di ko binuksan 'di ko pinapasok
  • Tuktok ng bundok na Kanyang inakyat
  • Tignan ko pa lang ako ay nilagnat
  • Dapat ako ang ipako sa cross
  • Dapat ako ay siyang nanlilimos
  • Nag-awad ng tawad sa ating Ama
  • Ngunit masama pa ang pinadama
  • Da
  • Puro ako salita at dada
  • Sa biyaya ako'y naaatat
  • Pero kahit kailan 'di nagpasalamat
  • Nagduda ako sa kakayahan Mo
  • 'Di ako nararapat Sa'yo
  • Masyado akong mapagmalaki
  • Pero kahit kailan hindi Ka nag-higanti
  • Lord patawad
  • Lo
  • Lord
  • Lord Lord Lord patawad
  • Pagkat ako'y makasalanan
  • Makasalanang nilalang
00:00
-00:00
View song details
Come to join my duet!

84 4 3963

2023-1-11 12:29 XiaomiMi A1

Gifts

Total: 0 1

Comments 4