Rapstar

'Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to

  • 'Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to
  • Ginaganapan ko lang na natural
  • Tsaka inagapan ko na mautal
  • Nilaban sinugal ginapang minahal
  • Katagalan natutunan ko nang tumagal
  • Tsaka alam ko naman na inaabangan
  • Na sana tabangan 'yung papakawalan
  • Para 'di naabangan
  • Kaso nga lang palaban na batang Alabang
  • Kinalakihan na galingan nang galingan
  • Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin
  • 'Di ko namalayang na malayong malayo na pala
  • Na 'yung narating pati ako napaling
  • Mga naniwala 'di ko pwedeng biguin
  • 'Di ko pwede pakitaan na bitin
  • Mga tenga na kailangan busugin ko pa din
  • Kahit kabisado na kilitiin
  • Alam ko na may mata na nagbabantay
  • Kung pa'no ako sasablay matyagang nag-aantay
  • Kung kailan ako tatamlay at lalaylay
  • 'Yung mga laway na laway na
  • Makita ako na mahina umay na umay na manira
  • Ngalay na ngalay na manghila
  • Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay
  • Nung napasarap mag rap ang daming nagbago
  • Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao
  • Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado
  • Palaging plakado
  • 'Pag gumalaw palaging planado
  • Daming pasabog kailangan
  • 'Pag malawak ang sakop
  • Ikaw din ang talo sa laban
  • 'Pag nabalot ng takot kung sa'n ka aabot
  • Hakutin lahat nang mahahakot
  • 'Yung dami ng pagod ay may sukli
  • 'Pag 'di ka madamot
  • At kung hindi ko tyinaga baka
  • Nauwi na sa wala ganito pala 'to kalala
  • Kita mo naman ang napala
  • Pa'no kung hindi ko ginawa
  • 'Yung iba 'di makahalata
  • Malaki na ang nakataya
  • Marami na pwede mawala
  • Kaya 'di na pwede pabaya
  • Hindi pwede puro mamaya
  • Baka sa huli mapahiya totoo na parang himala
  • Nagsimula sa ibaba tiningala
  • Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa
  • Gumanda pa 'yung kalidad
  • 'Di mo nakitang binaba
  • Dumarami pang nagdududa
  • Puro kilos ang inuuna
  • Ngayon kita mo namumunga tumutubo na
  • Napakarami ko nakukuha pero 'di
  • Pa rin nalulula
  • Ta's sa ugali wala pa ring binago
  • Tao pa rin 'pag humaharap sa tao
  • Pero 'pag usapang rap paiba-iba 'ko
  • Literal na may bago kang aabangan
  • Sa tuwing may ilalabas na bago
  • 'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
  • Para mas lalo sila ganahan
  • 'Di 'yung mga bago ko hanapin
  • 'Yung iba naman nababawan pero
  • 'Di na para atupagin
  • 'Di kasi nila maunawaan na
  • 'Yung bulsa ko pinapalalim
  • Kahit papa'no naman naganapan
  • Ko paunti paunti
  • Gumalaw ng pino hindi maitatanggi
  • Iba din na laking Munti
  • Tila may anting-anting sa galing
  • Himala 'yung kuting ay naging kambing
  • Sa dami ng hinain na putahe
  • Pwedeng akalain malaking canteen
  • 'Yung iba nakahalata na sa pang-anim na plaka
  • Nagiging malala bigla
  • Lalo 'pag babaliktad na binasa
  • Bago magawa ang 'di ko pa
  • Nagagawa maiba lang ang lasa
  • Para maipakita ko na 'di ako
  • Gumagawa nang basta basta
  • Ngayon lalo pang nananabik
  • Kasi meron nang bumabalik
  • Gagawin ko pa rin nang gagawin
  • Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin
  • Subok na subok na 'yung
  • Lagi niyong sinusubok 'to 'Yung mga nanubok
  • 'Yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong
  • 'Eto na ngayon 'yung mga
  • Sinabihan niyong gunggong
  • Sa tuktok na kami tumutungtong
  • 'Eto 'yung hindi niyo matutunton
  • Tsaka ramdam niyo na rin na
  • Pataas kami nang pataas
  • Kada labas kahit hindi madalas
  • Palakas pa rin nang palakas
  • Sa'min na 'tong palabas
  • Mabanas kayo nang mabanas
  • Pagka-usapang 'Pinas
  • Pasok kami d'yan hindi na mapapalabas
  • 'Wag ka na magtaka ba't nangyari at papa'no
  • Kasi kitang-kita niyo naman
  • Malinaw pa sa klaro
  • Sarili na lang ang tinatalo oo
  • Wala nang iba
  • Halata kasi nga nung 'yung uso naiba
  • Oh 'di ba 'yung iba nabura
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Come to join my duet!

20 3 4802

2023-8-22 22:37 XiaomiM2006C3MG

Tangga lagu hadiah

Total: 0 3

Komentar 3