Aking Pagmamahal

Mahal sana'y pakinggan mo ang awitin kong ito

  • Mahal sana'y pakinggan mo ang awitin kong ito
  • Na handa akong magbago para lamang sa iyo
  • Lahat ay aking gagawin 'wag ka lang mawalay sa 'kin
  • At ang puso't isip ko sana'y iyo ding angkinin
  • At maramdaman mo sana ang pag-ibig sa iyo
  • 'Di sayangin ang pag-ibig na inalay mo
  • At handa ko pong baguhin ang lahat-lahat sa akin
  • Mahalin mo lang ako 'yan lang ang tangi kong hiling
  • Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
  • At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
  • Aking pagmamahal sana nama'y masuklian
  • At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
  • At ngayon alam mo na tibok ng puso mo sinta
  • At ikaw lang ang lalaki sa 'king nagpapasaya
  • Sana'y malaman ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo
  • At ikaw ang dahilan kaya ako ay nagbabago
  • Tanging hiling sa Maykapal na tayo pa ay magtagal
  • Pangako ko sa 'yo mahal ihaharap ka sa altar
  • At salamat nga pala sa mga kaibigan ko
  • Na nagpapasaya sa akin 'pag pinapaluha mo
  • Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
  • At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
  • Aking pagmamahal sana nama'y masuklian
  • At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
  • Kay sarap namang isipin na panghabang-buhay na
  • Ang samahan nating dalawa na palagi kang masaya
  • At ikaw lang at ako ang tutupad sa pangarap mo
  • Dinggin mo sana ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo
  • Lahat ay aking gagawin mahalin lang ang tulad mo
  • At umasa ka pa sana na ako'y handang magbago
  • At lahat nang ito'y nagawa ko para sa iyo
  • At ikaw ang dahilan kaya ako nagsusumamo
  • Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
  • At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
  • Aking pagmamahal sana nama'y masuklian
  • At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
  • Aking pagmamahal sana nama'y masuklian
  • At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
  • Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
  • Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

33 0 2700

2022-12-4 02:54 realmeRMX3269

Quà

Tổng: 0 4

Bình luận 0