Huling Mensahe

Mabuti pa ibang lalake mo ika'y napasaya

  • Mabuti pa ibang lalake mo ika'y napasaya
  • Kaya kung minsan ang hiling ako nalang sana sila
  • Tatlong taong ginugol ko sayo lahat baliwala
  • Tatlong taong sinakripisyo ni wala kong napala
  • Tatlong taon mo kong niloko sa iyo ay nadala
  • Tatlong taon ng buhay ko dahil sayo pariwara
  • Dakila kong pagmamahal dating sayo walang wala
  • Pag may kasama kang iba nais ko lang ay magwala
  • Tangina ang saket ni wala kong magawa
  • Habang ika'y nagsasaya ako nama'y nagluluha
  • Tanging panulat at papel na lamang ang aking karamay
  • Sapagkat ang puso ko at isip ko ay magkaaway
  • Kautusan ng aking isip ay ang kalimutan ka
  • Ngunit bulong ng puso ko
  • Sana ay bumalik ka na
  • Grabe sobra ang saket sitwasyon napakahirap
  • Tulungan mo kong limutin kita pakiusap
  • Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
  • Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
  • Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
  • Ikaw lang ang minahal ng ganito
  • Makinig ka
  • Dahil sa galit at lungkot kaya ko naipinta
  • Itong awitin na sinulat sa pula na tinta
  • Ilalabas ko ang lungkot na matagal ininda
  • Ng puso na mapagmahal na nilaro mo at winasak
  • Nagkamali ako ng relasyon ko na tinahak
  • Masyado lang siguro kita na minahal
  • Kaya ngayon ang puso ay nasa kritikal
  • Tanong ko lang ano ba hanap mong di mo nakita sakin
  • Kung kaya't puro pagpapanggap ka lang sa istorya natin
  • Binigay ko ang lahat sinakripisyo ang lahat
  • Ngunit iba pa rin mahal mo at iba ang mas angat
  • Inalay ko ang puso ko pati buo kong pagkatao
  • Nagmuka na ngang tanga sayo ngunit walang nagbago
  • Kung ano ka pa noon hanggang ngayon ganun pa rin
  • Kaya pagmamahal ng tulad ko hindi mo napansin
  • Ang emosyon na sobrang kalungkutang may kasamang galit
  • Ang aking nadarama dahil mahal pa kita kahit
  • Mayroon ka ng iba habang ako'y ibinasura
  • Palibhasa ba mahirap lang ako't walang itsura
  • Hinagpis na iniwanan mo sakin lumalala
  • Gabi gabing lasing umiiyak at nakatulala
  • Ngunit kailangan tanggapin ko lahat ng katotohanan
  • Na pagmamahal ko sa iyo walang pinaroonan
  • Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
  • Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
  • Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
  • Ikaw lang ang minahal ng ganito
  • Habang nakikinig ka gusto kong malaman mo
  • Mula nung nawala ka kalungkutan ang kalaban ko
  • Alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng iba
  • Bulagbulagan lang ako tila may piring ang mata
  • Salamat sa tatlong taon mong ako'y pinagtyagaan
  • Ngayong damdaming ka'y bigat pilit kong pinapagaan
  • Ito ang pinakamahirap ko na pinagdadaanan
  • Ang limutin ang babae ko na pinaglalaanan
  • Ng pagmamahal na tunay na higit sa buhay ko
  • Ngayon wala na kong anghel kaya balik ang sungay ko
  • Sadyang mahirap ngang limutin ang ating nakaraan
  • Pakiramdam ko ang buong mundo sakin nakadagan
  • At tila lumagapak ng bigla ang langit dito sa kalupaan
  • Tatlong taon na kasama kita para sayo walang kahulugan
  • Ang makuntento ka sakin hindi naganap yun ang pinakamasakit don
  • Pakiramdam ko tuloy gamilyong patalim sa puso ko nakabaon
  • Sana maging maligaya ka na sa ngayon
  • At salamat nalang sa lahat binigyan ako kahit na kakaunting panahon
  • Nakasama kita kahit puro panggap na pagibig ang nadama ko sa iyo
  • Atlis napadama ko sa iyo na pag ako nagmahal labis at totoo
  • Alam ko kahit na ilang bote ng alak ubusin sa bawat gabing maginaw
  • Ay hindi kita malilimutan pagkat hinahanap ng puso ko tanging ikaw
  • Nasan ka man ngayon aking mahal sana naman tandaan mo ito
  • Na ikaw pa rin ang syang babaeng saydang
  • Hanggang ngayon ay mahal ko mahal ko
  • Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
  • Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
  • Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
  • Ikaw lang ang minahal ng ganito
  • Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
  • Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
  • Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
  • Ikaw lang ang minahal ng ganito
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

29 2 1

2-18 19:37 motorolaMoto E (4)

Gifts

Total: 0 2

Comments 2