Sirena

Ako'y isang sirena

  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Simula pa no'ng bata pa ako
  • Halata mo na kapag naglalaro
  • Kaya para lahat ay nalilito
  • Magaling sa Chinese garter at piko
  • Mga labi ko'y pulang pula
  • Sa bubble gum na sinaba
  • Palakad lakad sa harapan ng salamin
  • Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila
  • Habang kumekembot ang bewang
  • Mga hikaw na gumegewang
  • Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
  • Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
  • Na galing sa aking ama
  • Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
  • Laging nalalatayan
  • Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
  • Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
  • Ang puso kong mapagmahal
  • Parang pikit matang kulot
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Hanggang sa naging binata na ako
  • Teka muna mali dalaga na pala 'to
  • Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
  • Ano bang mga problema nyo
  • Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
  • Sa dapat makita ng inyong mata
  • Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
  • Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
  • Kahit binaliw na sa tapang kasi ganun na lamang
  • Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
  • Tama nanaman itay di napo ako pasaway
  • Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
  • Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
  • Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
  • Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
  • At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
  • Aking mga kapatid lahat sila'y sumama
  • Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
  • Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita
  • Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
  • Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
  • Ngayon sa iyong kaarawan susubukan kong palitan
  • Ang lungkot na nadarama wag napo nating balikan
  • Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
  • Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
  • Isang gabi akoy iyong tinawag lumapit
  • Ako sayong tabi ikay tumangan kumapit
  • Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
  • Anak patawag sana sa lahat ng aking nagawa
  • Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
  • Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa'kin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila
  • Bandera koy di tutumba
00:00
-00:00
View song details
1st time mag rap try lang meow😹

123 5 4099

2022-6-4 14:59 samsungSM-A125F

Gifts

Total: 0 0

Comments 5