Tanan

Bakit hindi

  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Bakit hindi mo ako hinintay
  • Kailangang ibigay ko ang aking kamay
  • Sa taong hindi ko naman minahal
  • Ngunit di nag tagal kami ay kinasal
  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Alam kong hindi boto sakin ang iyong mga magulang
  • Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang
  • Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang
  • Sasahod nako sa lunes kaya puwede nang mangutang
  • Pero kahit langit kat lupa ako alam mo
  • Ngayon lamang ako nag lakas loob ng ganito
  • Lalo na nung naramdaman kong may pag asa ako
  • Pakiramdam ko ay kayang kaya kong buhatin ang mundo
  • Ayun na nga pinayagan mo akong sunduin kita
  • Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila
  • Kitang kita ko ang aking saya sayong mga mata
  • Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba
  • Tuwang tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin
  • Kahit na sa mumurahin ay sabay tayong kumakain
  • Akoy nag papasalamat kahit na di madasalin
  • Pero bakit nag iba yata ang ihip ng hangin
  • Hanggang isang araw parang iniiwasan mo ako
  • Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo
  • Ilang linggo ang lumipas
  • Nagbakasali ako
  • Buti nalamang at sinagot mo na rin ang tawag ko
  • Bakit ka umiiyak ano bang dahilan
  • Parang awa mo na Susan sabihin mo naman
  • Narito ko para sayo kahit na ano pa yan pero
  • Di ko inasahan ang kanyang naging kasagutan
  • Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba
  • May hihilingin ako sayo sana ay pumayag ka
  • Bago mag simbang gabi dun sa lumang talipapa
  • Sasama na ako sayo basta hihintayin kita
  • Dali dali akong umuwi hinakot ang damit
  • Dalawang maong limang kamiseta kaso isay punit
  • Ngunit ang mundoy sadya nga yatang napaka lupit
  • Dahil kaming dalaway di na magkikita pa ulit
  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Bakit hindi
  • Mo ako hinintay
  • Kailangang ibigay ko ang aking kamay
  • Sa taong hindi ko naman minahal
  • Ngunit di nag tagal kami ay kinasal
  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Patawarin mo ako kung nag hintay ka ng matagal
  • Inabot ka na ng lamig ngipin moy nangatal
  • Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal
  • Yan ang sakit pag tinalikuran ka ng iyong Mahal
  • Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman
  • Maayos ang iyong buhay at inyong kinalalagyan
  • Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak may laruan
  • Hindi ko kayang ibigay ang ganyang karangyaan
  • Ang meron lamang ako dito ay pag ibig na tunay
  • Babantayan ka habang ikay nag gagayat ng gulay
  • Suot ang bigay kong duster
  • Luma nat kupas ang kulay
  • Ng telang kasing lambot ng buhok mo na naka lugay
  • Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin
  • Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin
  • Parang isda na bilasa sa palengke mumurahin
  • Doon ka nya hinahambing
  • Tuwing ikay naglalambing
  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Bakit hindi
  • Mo ako hinintay
  • Kailangang ibigay ko ang aking kamay
  • Sa taong hindi ko naman minahal
  • Ngunit di nag tagal kami ay kinasal
  • Bakit hindi
  • Ka naman dumating
  • Sinadyang biguin
  • Mo ang aking hiling
  • Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito
  • Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko
  • Nong gabing magkikita tayo
  • Papunta na ako
  • Kaso dinukot ako ng mga tao ng Ama mo
  • Ginapos akot itinago sa tambakan ng gulong
  • Pinag hatian ang baon nating bibingkat puto bungbong
  • May piring aking mata
  • Nang marinig ko ang bulong
  • Isang malakas na putok ang sa ulo koy dumagundong
  • Tumatagas ang alaala kinaladkad sa Paa
  • May isa tiningnan pa kung di nako humihinga
  • Puwing na lupa at bato sa aking mga mata
  • Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba
  • Lagi mo akong kasama masaya narin ako
  • Na may isang natupad sa mga kahilingan ko
  • Marahil ay nag tataka bakit alam ko lahat to
  • Ang bangkay koy nakalibing sa ilalim ng bahay nyo
00:00
-00:00
View song details
Sana may mag chorus nito 🔥

60 3 1

2023-9-11 22:20 iPhone 11

Gifts

Total: 3 5

Comments 3