Hiram

Limitado ang renta natin sa planeta

  • Limitado ang renta natin sa planeta
  • Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
  • Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
  • Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
  • Alaala na ang kabataan ang saya saya
  • Hanggang sa ang barkadahan ay nagkanya kanya
  • Di na mapaghiwalay pagnagdikit silang lima
  • Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila
  • Dating magkatropa mga trip ay nag iba
  • Tsaka na lang nakumpleto nung
  • Libing na nung isa
  • May langit nga ba pano kung wala
  • Nasayang lang buhay mo sa kakatingala
  • Kakahintay sa gantimpala't himala
  • Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla
  • Pasok sa paaralan maghapong tulala
  • Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala
  • Tatambahay maghapon na mabahong paa
  • Oras na para bumangon aba
  • Palagi ka na lang nakahiga kahapon ka pa
  • Maraming oras para dyan kapag nasa
  • Kabaong ka na
  • Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa
  • Kung alam mo na kung ilan na lang
  • Ang natitira
  • Ano kaya sa mga ugali mo magiiba
  • Kung alam mo na kung kelan
  • Ang huli mong hininga
  • Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga
  • Anong gusto mong gawin
  • Nkapili ka na ba
  • Napakaikli nakakabitin talaga sulitin mo na
  • Habang himihinga ka pa
  • Gamit ang lapis sa bulsa ako'y magiiwan
  • Ng marka na di maaring mabura
  • Subalit aking napuna
  • Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta
  • Ngunit bakit walang nais mauna
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Sundan ang liwanag Gisingin ang kamalayan
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
  • Nais ng ilan wala ng solian
  • Ayaw pang bitawan ang kanilang nakagawian
  • Habang yung iba naman
  • Naghanap ng dahilan magdiwang umaasang merong ulitan
  • Bigay man o hiram
  • Ano mang kahulugan
  • Susulitin ko nalang
  • Kasi bibihira lang namang
  • Mangyare sa kaluluwa ang ganitong klase ng karanasan
  • Pano nga kaya kung nakatago
  • Lang pala sa bungo ang susi ng kaharian
  • Para lalo mong masaksihan
  • Dapat ay bukas ang puso at payapa ang kaisipan
  • Kung tayo ay gawa sa putikan
  • Nandito ba tayong lahat para lang mahulma
  • Pero nakatulog lang sa sinehan
  • Pag gising ang palabas ay magtatapos na
  • Kakumusta kasi yung mga pinapanuod namin minsan kapus pa
  • Ngunit sa lakas ng pagbagsak parang
  • Bola ganun din kataas ang pag talbog nya
  • Kung ang buhay sinusukat sa segundo
  • Meron tayong tig iisang minuto
  • San mo gagamitin ang mga natitirang ginto mo
  • Madadala mo ba lahat yan pagdating sa dulo
  • Pag nandyan na yung sundo mo
  • Isi tali hungo na tayong lahat
  • Marami rami narin ang kinukumplika
  • Baka papunta sa
  • Bago tayo magtapos papunta
  • Din lahat dun diba
  • Kaya mga nagmamalinis
  • Nagmamabango
  • Bahala kayo
  • Magkikita kita rin tayo sa pagiging abo
  • Basta ako sisindi ng damo
  • Apiqi la pipenaso hi hihi hoho haha
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Sundan ang liwanag Gisingin ang kamalayan
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
  • Buhay sing iksi ng gitling sa lapida
  • Isang regalo na malaman tuwing umaga
  • Ako'y nagigising at humihinga
  • Naibahagi ko ba ang kaligayahan para sa iba
  • Natagpuan ko rin naman kaya para sa sarili ko at nakapagtira
  • Baka tayo'y parang mga dahon lang
  • Na ang misyon ay ang magpataba sa lupa
  • Para may matibay na maapakan ang mga
  • Susunod na magiging binhi supling at utak
  • Nung ako'y namasukan
  • Naghintay ako ng pitong linggo para maging ganap na nilalang
  • Ganun din ba sa paglisan
  • May apat na pu't araw pagkatapos ng pasiyam
  • Kahapon na ngayon kapag bukas ay dumaan
  • Dahil sa kakatingala mo sa prutas sa ubasan
  • Bawat segundo'y mahalaga di mo alam kung ilan nalang ang nasa orasan
  • Natin papuntang impyerno ang mga pangarap kong daan
  • Meron ba talagang buhay na walang hanggan
  • Maililigtas ba 'ko ng santo saking ulunan
  • Makakapasok ba ako sa palasyo sa kaulapan
  • At kung tunay yan nasa banal na kasulatan
  • Ang paanyaya ni kamatayan ay papaunlakan
  • Ano kayang pakiramdam pag ako naman ang sino kayang nasa unahan
  • Walang permanente sa mundo alam ko yan
  • Kaya nais kong pumanaw na may kabuluhan
  • Ang buhay tulad ng lahat ay may katapusan
  • Wala ka ng magagawa kung
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Sundan ang liwanag Gisingin ang kamalayan
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Sundan ang liwanag Gisingin ang kamalayan
  • Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
  • Dahil ang buhay natin ay hiram lang
  • Nilukso ko ang kalawakan
  • Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
  • Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
  • Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Pachorus nalang po ng female part 🙇🏻 Salamat 🔥

48 9 1

2023-10-8 09:38 iPhone 14 Pro

Quà

Tổng: 10 20

Bình luận 9