Sampaguita

O aking sinta

  • O aking sinta
  • Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
  • Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
  • Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
  • Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
  • Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi
  • Nagdaang mga pasko bagong taon at araw
  • Ng mga pusong di kita makuhang madalaw
  • At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak
  • Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
  • Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak
  • Mag isa ka lang ng isinilang mong ating anak
  • Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
  • Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan
  • Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan
  • At sa paglubog ng araw di kita matabihan
  • Kung kahit saan man mapadpad
  • Sayo pa rin ako babalik giliw
  • Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
  • Uuuu
  • Sa halimuyak ng 'yong uuu
  • Anak kaarawan mo na ulit
  • Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit
  • Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit
  • Naalala ka ni tatay tuwing ako'y pumipikit
  • Patawarin mo ako anak kung hindi kita
  • Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
  • O lumangoy sa batis na katulad ng iba
  • At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
  • Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
  • Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag uumapaw
  • Sa tuwa dahil ganyan ganyan ako noon
  • Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong
  • Kailan ka uuwi sakin ay binubulong
  • Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong
  • Sa pagkatbo'y madadapa minsan ay masasaktan
  • Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan
  • Kahit saan man mapadpad
  • Sayo pa rin ako babalik giliw uh
  • Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
  • Lalalala
  • Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
  • Aaa lalala
  • Sa halimuyak aaa ng 'yong
  • Dumating ng araw na aking pinakahihintay
  • Malapit ng magsimula ang aking paglalakbay
  • Pabalik saking pamilya kahit napakalayo
  • Mula sa lugar na para kumita ay dinayo
  • Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
  • Tsokolate at laruan pati sabong panlaba
  • Eroplano'y lumapag na ako lamang mag isa
  • Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila
  • Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
  • Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala
  • Nung tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang syang natawa
  • Nag iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa
  • Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
  • Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim
  • Dahil ang laman nito ay ang lahat
  • Ng mga araw na ako'y nakatingin
  • Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin
  • Kahit saan man mapadpad
  • Sayo pa rin ako babalik
  • Babalik giliw
  • Sa halimuyak
  • Sa halimuyak ng 'yong
  • Paboritong sampaguita
  • Sampaguita
  • Sa halimuyak
  • Ng 'yong paboritong sampaguita
  • Laa lalala
  • Sa halimuyak
  • Sa halimuyak
  • Ng 'yong
  • Sampaguita
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Juan Karlos Ft. Gloc 9 Hits! 🔥

230 35 1

2023-9-9 22:08 iPhone 14 Pro

Quà

Tổng: 58 463

Bình luận 35