Masaganang Kabukiran

Halina sandali

  • Halina sandali
  • At limutin ang himutok
  • Ang mga mata'y itanaw
  • Sa mga luntiang bundok
  • At sa bukid mo langhapin
  • Ang hanging malamyos
  • Na sing linis ng pagsintang
  • 'Di ko matanos
  • Ang mga pipit sa galak
  • Ay nag-aawitan
  • Ang ibig sabihin
  • Kay sarap mabuhay
  • Kung maralita man ikaw
  • At salat sa yaman
  • Ang ginhawa mo'y narito
  • Sa kabukiran
  • Tatalun-talon iindak-indak
  • Ang tubig sa batis
  • Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas
  • Tulad ng pag-ibig
  • At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
  • Sa mga pook na ito'y walang hapis
  • Pupunday-punday ang maninipis
  • Na dahong kawayan
  • Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
  • O ako'y iyo sinta habambuhay
  • Sa gitna nitong masaganang kabukiran
  • Ang mga pipit sa galak
  • Ay nag-aawitan
  • Ang ibig sabihin
  • Kay sarap mabuhay
  • Kung maralita man ikaw
  • At salat sa yaman
  • Ang ginhawa mo'y narito
  • Sa kabukiran
  • Tatalun-talon iindak-indak
  • Ang tubig sa batis
  • Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas
  • Tulad ng pag-ibig
  • At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
  • Sa mga pook na ito'y walang hapis
  • Pupunday-punday ang maninipis
  • Na dahong kawayan
  • Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
  • O ako'y iyo sinta habambuhay
  • Sa gitna nitong masaganang kabukiran
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Masaganang Kabukiran 🌾🌾🌾 by Ms. Armida Seguion-Reyna 💕💖🩷

35 2 1

6-23 18:55 OPPOCPH2239

Tangga lagu hadiah

Total: 0 2

Komentar 2

  • THELMA 6-23 21:48

    🎼🎵🎶 🌾🌾🌾🦜🐦

  • Thelma 6-29 06:20

    mdf Reynaldo tyvm for ur gifts 🥳🌹💐🌷😘🌺