Pag Natatalo Ang Ginebra

Sinusundan ko ang bawat laro

  • Sinusundan ko ang bawat laro
  • Ng koponan kong naghihingalo
  • Sa bawat bolang binibitaw
  • Di mapigilang mapapasigaw
  • Kahit hindi relihiyoso
  • Naaalala ko ang mga santo
  • O San Miguel Santa Lucia
  • Sana manalo ang Ginebra
  • Sa Coliseum at Astrodome
  • Nakikisiksikan hanggang bubong
  • Nang aalaska at nanggugulo
  • Pag nagfifree throw ang katalo
  • Ang barangay ay nagdiriwang
  • Halftime ay kinse ang aming lamang
  • Cameraman huwag mo lang kukunan
  • Si senador at congressman
  • Pagbigyan nyo na ako
  • Paminsan minsan lang ito
  • Gumaang ang nabibigatang puso
  • Pagbigyan nyo na ako
  • Sa munting hilig kong ito
  • Kung hindi baka mag away pa tayo
  • Nang 2nd half ay mag umpisa
  • Puro palpak ang tira nila
  • Offensive foul si Noli Locsin
  • At si Gayoso na traveling
  • Sa kakaibang shorts ni Jaworski
  • Ay ipinasok ang sarili
  • Kalagitnaan ng 4th quarter
  • Tabla ang score 88 all
  • Drive ni Pido ay nasupalpal
  • Defense nila na technical
  • Parang gumuho ang aking daigdig
  • Nang maagawan si Bal David
  • Nang bumusina ng last 2 minutes
  • 3 points ni Hizon ay nagmintis
  • Kunsumisyon ay nagpatong patong
  • Graduate si Marlou at si Ong
  • Pagbigyan nyo na ako
  • Paminsan minsan lang ito
  • Gumaang ang nabibigatang puso
  • Pagbigyan nyo na ako
  • Kahit na kahit paano
  • Sumaya ng bahagya itong mundo
  • 24 seconds lamang ng lima
  • Ang kalaban bola pa nila
  • Dumidilim ang aking paningin
  • Ang tenga ko ay nagpapanting
  • Bumabalik sa aking isip
  • Ang nakaaway ko noong Grade 6
  • Parang gusto ko nang magkagiyera
  • Pag natatalo ang Ginebra
  • Galit ako sa mga pasista
  • Galit ako sa imperyalista
  • Feel na feel kong maging aktibista
  • Pag natatalo ang Ginebra
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

40 4 5046

6-27 21:52 OPPOCPH2471

Quà

Tổng: 0 9

Bình luận 4