Awit ng Anak sa Magulang

Noo'y munting batang inaakay

  • Noo'y munting batang inaakay
  • Inaalalayan bawat paghakbang
  • Ngayo'y nakatayo sa 'king mga paa
  • Salamat aking Nanay aking Tatay
  • Wala akong sapat na salita
  • Walang katumbas inyong pag-aruga
  • Ngayong kayo'y matanda na't nanghihina
  • Ako ngayon ang dapat mag-alaga
  • Kayo'y aalalayan aakayin din
  • Pag lumuluha ay patatahanin
  • Babantayan kung may sakit
  • Dadampian ang noo ng halik
  • At kapag gabi ay malamig
  • Yayakapin din nang mahigpit
  • Ipapanalangin
  • At kukumutan ng pag-ibig
  • Tanda ko ang hirap ninyo sa akin
  • Puyat pagod lungkot ay tiniis
  • Hinding-hindi ko malilimutan
  • Walang kapantay n'yong pag- ibig
  • Huwag kayong mag-alala
  • Sa puso't isip ko'y nakatanim
  • Sa 'king sambahaya'y ipadarama ko rin
  • Walang katumbas n'yong pag-ibig
  • Aking mga anak ay aakayin din
  • Pag lumuluha ay patatahanin
  • Babantayan kung may sakit
  • Dadampian ang noo ng halik
  • At kapag gabi ay malamig
  • Yayakapin din nang mahigpit
  • Ipapanalangin
  • At kukumutan ng pag-ibig
00:00
-00:00
View song details
Come to join my duet!

59 5 1495

2-10 17:57 Xiaomi220333QAG

Gifts

Total: 3 129

Comments 5