DETERMINADO

Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko

  • Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
  • Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
  • Kung determinado nga
  • Pero 'di naman makabasag ng plato
  • Dami nagtanong ba't 'to ang gusto
  • Tahakin na landas halika rito
  • Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo
  • Maniobra palayo sa kakitirang 'yon
  • Kargado't napuno na rin ng galit 'to
  • Pero 'di ako magpapalunod sa lait niyo
  • Patuloy ang andar kahit na bali-baliko
  • Sa 'king daanan sumpang 'to ay mababali ko
  • Ano ba'ng sabi ko determinado
  • Walang makakapigil 'di terminado
  • Aking sentido bumabasag ng mga bungo
  • Heto na'ng huling bersikulong
  • Maririnig mo galing sa 'yong berdugo
  • Katumbas ako ng dalawa na ipo
  • Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo
  • Kahit si Aeolus hindi ako mahipo
  • 'Pag nag-dempsey roll bira mo'y sa anino
  • Musika lang aking bisyo ang natatanging ambisyon
  • Kahit anumang opinyon hinding-hindi malilipol
  • Lahat isasakripisyo hindi kailangang abiso
  • Ng kahit na sino heto na'ng aking pagsibol
  • Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
  • Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
  • Kung determinado nga
  • Pero 'di naman makabasag ng plato yeah
  • 'Di ako isang anito
  • Ako'y 'di hamak lang na isang mortal nga na bagito
  • Apoy ko'y imortal 'di halintulad sa palito
  • Nagpapalit 'to ng anyo
  • 'Pag nakipagbasag-ulo mga pabibo
  • Paniguradong matutusta tiyak sunog sa 'kin
  • Ako ang Prometheus ng musika tapos ka
  • Nagliliyab mga kutha 'gad magigising ka
  • Kapag sinindihan ko pa don't you drop the beat
  • Y'all can never take the heat
  • Determinado
  • Walang makakapigil 'di terminado
  • Aking sentido bumabasag ng mga bungo
  • Heto na'ng huling bersikulong
  • Maririnig mo galing sa 'yong berdugo
  • Balisa 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula
  • Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay
  • Kahihintay ng pusang galang
  • Magtatangkang hamakin ang aking buhay
  • 'Di mo maide-deny aking taglay
  • Kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray-suray
  • Habang buhay maglalakbay
  • Patungo sa 'king pangarap
  • na kailan pa man ay 'di mamamatay
  • Hindi mamamatay laging mananalaytay
  • ang enerhiyang aking ibibigay
  • Baybay lang ang kayang silayan
  • 'Pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay
  • 'Di ko kailangan ng lamay akin na nga 'yang tinapay
  • Tigilan mo'ng kakahukay lumayas ka sa 'king bahay
  • Kung isip ko'y 'di rin tunay
  • 'Lang saysay magbigay pugay
  • Matagal na 'kong patay kung
  • 'Di lang determinado ah ah
  • Ako ay determinado
  • Ako ay ako ay determinado
  • Determinado
  • Ako ang iyong berdugo
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
WOOOH!

31 2 4712

3-8 16:03 XiaomiM2010J19SG

Quà

Tổng: 0 5

Bình luận 2