Panawagan

Bawat tao sa mundo ay isang manlalakbay

  • Bawat tao sa mundo ay isang manlalakbay
  • Sa landas na kung tawagin natin ay buhay
  • At maraming taong nahuhulog sa hukay
  • Pagkat sila'y mga bulag at walang umaakay
  • Bawat tao sa mundo ay isang manlalakbay
  • At bawat Kristiyano ay dapat maging gabay
  • Pagkat maraming taong patuloy na natatangay
  • Ng makamundong buhay na patungo sa hukay
  • Dinggin mo kapatid kong kristiyano
  • Ang awit na ito na may panawagan sa'yo
  • Tayo ay humayo at mag akay ng tao
  • Atin silang ilapit kay Hesukristo
  • Ang awit na ito ay isang panawagan
  • Sa bawat Kristiyano dito sa ating bayan
  • Ang kaligtasan na atin nang natagpuan
  • Huwag mo'ng sarilinin ibahagi mo kaibigan
  • Ang salita ng Diyos ay ipahayag mo
  • 'Di lang sa piling tao kundi'y kahit kanino
  • Huwag mong ikatakot o ikahiya ito
  • Pagkat ang kapangyarihan niya ay nasa sa'yo
  • Si Hesus ang liwanag ng buhay
  • At bawat Kristiyano ay dapat na magpatunay
  • Ating alalahanin ang nasa kadiliman
  • Yamang tayo'y mga munting ilawan
  • Si Hesus ang liwanag ng buhay
  • At bawat Kristiyano ay dapat na magpatunay
  • Ating alalahanin ang nasa kadiliman
  • Yamang tayo'y mga munting ilawan
  • Munting ilawan ng sanlibutan
  • Si Hesus sa atin ay nananawagan
  • Pagningasin natin mga munting ilawan
  • Si Hesus sa atin ay nananawagan
  • Si Hesus sa atin ay nananawagan
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Halika at makinig sa aking KTV show!

31 3 2209

8-24 10:36 samsungSM-A035F

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 0

ความเห็น 3