Huling Yakap(Explicit)

Bago natin kalimutan ang isa't isa

  • Bago natin kalimutan ang isa't isa
  • Nais kong hawakan ang iyong mga kamay kahit sa huling sandali
  • Magkahiwalay man tayong dalawa
  • Lungkot at sakit man ay aking madama
  • Di man tayo magkita balang araw
  • Aking panghahawakan na naging parte ka ng buhay ko
  • Kahit huling yakap nalang
  • Bago tayo magkahiwalay
  • Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
  • At maayos natin na bibitawan ang isa't isa
  • Bago tayo magmahal ng iba
  • Gusto kong mayakap ka at mahagkan
  • Kahit may luhang nakakubli
  • Magkahiwalay man tayo'y may saya
  • Na madarama at magpapaalala sa paglipas ng panahon
  • Ay minsang nagkaro'n ng ikaw at ako na nagmamahalan
  • Kahit huling yakap nalang
  • Bago tayo magkahiwalay
  • Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
  • At maayos natin na bibitawan ang isa't isa
  • Bago pa natin tahakin ang bukas na
  • Kung sa'n hindi na tayong dalawa
  • Pwede ko bang tuparin yung mga hiling
  • Mo sakin na hindi ko nagawa
  • Dahil sa labis naging abala nalimutan ko na ika'y paglaanan
  • Inisip ko ang ating kapakanan at hindi
  • Ang lumbay mong nararamdaman
  • Di ko alam sa likod ng mga tampo
  • Mo at masasakit na salita
  • Yung pagkukulang ko sa iyo bilang
  • Asawa'y nahanap mo na sa iba
  • Sa halip na dapat ako'y galit sa awa sayo'y napaluha ako
  • Niyakap ka habang humahagulgol patawarin mo 'ko kung nagkulang ako
  • 'Di ko inakala na yung dating tayo na masaya habang nagliligawan
  • Eto dumating na sa katapusan at maayos kitang hihiwalayan
  • Pero bago tayo magkawatak mamimiss ko ang yong mga talak
  • Yung mga luto mong masasarap na sa puso ko ay talagang tumatak
  • Wag mong sisihin ang sarili mo ako ang dapat non na gumawa
  • Labis kong pagkukulang ang nagtulak sayo para gumawa ng masama
  • Punasan mo na ang 'yong mga luha tumahan kana at mapalagay
  • Walang sama ng loob salamat sa maayos nating paghihiwalay
  • Yakap nalang
  • Bago tayo magkahiwalay
  • Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
  • At maayos natin na bibitawan
  • Kahit huling yakap nalang
  • Bago tayo magkahiwalay
  • Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
  • At maayos natin na bibitawan ang isa't isa
00:00
-00:00
查看作品詳情
matrylang😅

30 4 1

2022-12-24 08:57 TECNO LF7

禮物榜

累計: 0 4

評論 4